SAGOT SA ISANG BORN AGAIN TUNGKOL SA PANINIRA NIYA SA BIRHENG MARIA
Ipinost ni JOSE SANTIAGO GUERRERO sa facebook
(BROTHER
AND SISTERS IN CHRIST...SHARE KO LANG PO UNG MAGPINSANGBORN
AGAIN..pinagtutulungan ako PERO KINAKAYA KO NG SUMAGOT AT MABIGAY NG
MALINAW NA PALIWANAG DAHIL SA INYONG MGA POST..MARAMI PONG SALAMAT SA
INYO...)
Wag ka mag-alala kapatid, dahil sinasabi ng kasulatan ang ganito: :Idambana ninyo sa inyong puso si Cristong Panginoon. Humanda kayong lagi na magpaliwanag sa sinumang magtatanong sa inyo tungkol sa inyong pag-asa. Ngunit maging mahinahon at mapitagan kayo sa inyong pagpapaliwanag. Panatilihin ninyong malinis ang inyong budhi upang mapahiya ang mga umaalipusta at tumutuya sa inyong magandang asal bilang mga lingkod ni Cristo." (1 Pedro 3:15-16, Magandang Balita Biblia)
(ITO PO BAGO ISHARE KO LANG UNG PANINIRA NILA KAY MAMA
MARY..SOBRA LANG AKO NASAKTAN NA GANUN PALA TRATO NG MGA BORN AGAIN KAY
MAMA MARY.)
Oo, ganun talaga sila, mahilig manuligsa at makipag-away, sila ang tinutukoy ni Apostol San Pablo sa kanyang sulat kay Timoteo:
"Sinumang nagtuturo ng iba kaysa rito at di sang-ayon sa salita ng Panginoong Jesu-Cristo at sa mga aral tungkol sa kabanalan ay nagyayabang ngunit walang nalalaman. Sakit na niya ang MANULIGSA AT MAKIPAGTALO TUNGKOL SA MGA SALITA, bagay na humahantong sa inggitan, alitan, kutyaan, at pambibintang, Mahilig din silang makipagtalo sa mga liko ang pag-iisip at di kumikilala sa katotohanan, mga taong nag-aakala na ang relihiyon ay paraan ng pagpapayaman." (1 Timoteo 6:3-5, Magandang Balita Biblia)
(Sheila Ann Yee-Cabanayan Jose, alam mong si Hesus
lamang ang tinukoy ng 1 Peter 2:22 na walang bahid ng kasalanan. walang
ibang verse sa Bible na sinasabing walang bahid ng kasalanan si Mary.
imbento mo lang yan dahil distorted ang kahulugan mo ng "full of grace".
Being full of grace does not mean being without sin. You must accept it
that there is no one perfect except Jesus, because He is God incarnate
in flesh. Siya lang ang taong walang minanang kasalanan galing kay Adan,
dahil ang dugo nya'y nanggaling sa Diyos. si Mary ay ina ni Hesus sa
laman pero sa espiritu, si Hesus ay Diyos at Siya ang Diyos na lumikha
sa lahat so paanong naging ina ng Diyos si Mary e ang Diyos ang lumikha
kay Mary. Di mo yan lubusang naiintindihan ang dual nature of Jesus
Christ kc spiritually discerned ka.)
hahatiin ko ulit sa premises ang mga akusasyon ng Born Again na ito:
Born Again Accusation 1: alam mong si Hesus
lamang ang tinukoy ng 1 Peter 2:22 na walang bahid ng kasalanan. walang
ibang verse sa Bible na sinasabing walang bahid ng kasalanan si Mary.
Reply to Accusation 1: Bakit? may nabasa ka rin ba na si Maria ay ipinanganak na may bahid kasalanan? Oo sinasabi ng talata diyan na si Kristo nga ay walang bahid kasalanan. Pero may nakasulat din ba sa Biblia na si Maria ay ipinanganak na may bahid kasalanan?. May sinabi rin ba ang kasulatan na nakagawa si Maria ng kasalanan? wala, dahil sinasabi ng Kasulatan na ang sinumang nagkakasala ay alipin ng Diablo:
"Ang nagpapatuloy sa pagkakasala ay kampon ng diyablo, sapagkat sa simula pa'y gumagawa na ng kasalanan ang diyablo." (1 Juan 3:8, Magandang Balita Biblia)
ngayon kung sasabihin mo na nagkasala si Maria, saan talata mo nabasa yun, dahil kung si Maria ay nagksala siya ay magiging alipin at kampon ng diyablo. Pero sinasabi din ng parehong talata kung ano ang magiging papel na gagampanan ng anak ni Maria:
"At naparito ang Anak ng Diyos upang wasakin ang mga gawa ng diyablo." (1 Juan 3:8, Magandang Balita Biblia)
ngayon, eh di sinasabi mo na ang isang alipin ni satanas ay kumampi sa kanyang kaaway? Diba may sinasabi ang kasulatan at sinabi mismo ni Jesus na ang samabahayan na naglalaban laban ay hindi magtatagal:
"Kaya't pinalapit ni jesus ang mga tao at sinabi sa kanila ang ilang talinhaga: "Paano mangyayaring palayasin ni Satanas si Satanas? Kapag naglaban-laban ang nasasakupan ng isang kaharian, hindi mananatili ang kahariang iyon. At kapag naglaban-laban ang magkakasambahay, hindi mananatili ang sambahayang iyon. Gayon din naman, kapag, naghimagsik si Satanas sa kanyang sarili at naglaban-laban ang kanyang nasasakupan, hindi magtatagal at darating ang kanyang wakas." (Marcos 3:23-26, Magandang Balita Biblia)
eh kalinaw linaw na yung pala kung si Maria ay magkasala at mapabilang sa Diyablo, eh di siya dapat maging Ina ni Jesus na siyang wawasak sa gawa ng Diyablo dahil lalabas na naghihimagsik siya sa Diyablo na siyang magiging panginoon niya dahil siya ay may kasalanan at magiging kampon nito, eh di naghihimagsik na siya noon. Saka pasisinungalingan mo ang sinabi mismo ng Diyos sa ahas:
" Kayo ng babae\y laging mag-aaway,Binhi mo't binhi niya'y laging maglalaban. Ito ang dudurog sa ulo mong iyan, At ang sakong niya'y ikaw ang tutuklaw." (Genesis 3:15, Magandang Balita Biblia)
ngayon kung sinasabi mo na si Maria ay ipinanganak na may kasalanan, ibig sabihin wala siyang pinagkaiba kay Eba na siyang nagksala, eh di naging sinungaling na ang Diyos niyan, kasi pinagkagalit niya nga ang Babae at ang ahas eh, kung me kasalanan si Maria eh di hindi sila magkakaaway kundi magkakampi, at hindi maari yun na magkasundo ang Diyos at ang Diyablo dahil kay Maria, dahil sinasabi mismo ni San Pablo:
"Maari bang magkasundo si Cristo at si Belial?" (1 Corinto 6:15, Magandang Balita Biblia)
kung ganun magkakaroon niyan ng conflict of interest niyan si Maria kasi lalabas na naglilingkod siysa dalawang Panginoon:
"Walang taong maaring maglingkod sa dalawang panginoon, sapagkat kamumuhian niya ang isa at mamahalin ang naman ang pangalawa, o kaya'y maging tapat siya sa isa at hindi igagalang ang pangalawa." (Mateo 6:24, Filipino Standard Version)
Kaya imposible na si Maria ay hindi maging malinis muloa sa kasalanan dahil siya ay napupuno ng grasya t saka ayon kay Apostol Juan na ang sinumang inaanak ng Diyos ay hindi maaring magkasala:
"Ang sinomang nananahan sa kaniya ay hindi nagkakasala; sinomang nagkakasala ay hindi nakakita sa kaniya, ni hindi man nakakakilala sa kanya." (1 Juan 3:6, Ang Biblia)
at idinugtong pa niya:
"Ang sinomang ipinanganakng Diyos ay hindi nagkakasala, sapagka't ang kaniyanhg binhi ay nananahan sa kaniya: at siya'y hindi maaring magkasala, sapagka't siya'y ipinanganak ng Dios." (1 Juan 3:9, Ang Biblia)
kaya imposible yang sinasabi mo na nag-aattribute ka rin kay Maria nang hindi rin nakasulat sa kasulatan.
Born Again Accusation 2: imbento mo lang yan dahil distorted ang kahulugan mo ng "full of grace".
Being full of grace does not mean being without sin. You must accept it
that there is no one perfect except Jesus, because He is God incarnate
in flesh. Siya lang ang taong walang minanang kasalanan galing kay Adan,
dahil ang dugo nya'y nanggaling sa Diyos.
Reply to Accusation 2: Imbento? baka ikaw ang mahilig umimbento ng haka haka mo...bakit? alam mo ba ang kahulugan ng "full of grace"? Eto bigyan kita ng definition ng salitang 'grace'
" GRACE. God's unmerited favor and love which leads Him to grant salvation to believers through the exercise of their faith in Jesus Christ. Salvation cannot be earned; it is a gift of God's grace."(pg.128, Quicknotes Bible Dictionary, George W. Knight and Rayburn W. Ray)
kita mo na, sabi diyan na ang word na 'grace' ay yung unmerited favor and love ng Diyos, so ibig sabihin, sa umpisa pa lang natamo na ni Maria ang kaligtasan na iyon mula sa kasalanang mana na galing kay Adan, kasi sabi diyan na kaloob ng grasya ng Diyos ang kaligtasan kaya sadyan natamo na nga ni Maria ang kaligtasan na iyon ng lubusan dahil diya ay tinaguriang full of grace. Wala kaming tutol sa pagsasabing si Kristo ay walang minanang kasalanan mula kay Adan, dahil yun ang totoo. Ikaw lang naman ang tumatanggi at umiimbento sa sarili mong interpretasyon eh.Malinaw na malinaw na sinasabi ng kasulatan ang ganito:
"At nalalaman ninyo na siya'y nahayag upang magalis ng mga kasalanan; at sa kaniya'y walang kasalanan." (1 Juan 3:5, Ang Biblia) sino ang tinutukoy dito sa talata na nahayag upang magalis ng kasalanan at sa kaniya'y walang kasalanan, malinaw na si Jesus yan at wala kaming tutol diyan. Eh may kasunod pa eh, eto oh:
"Ang SINOMANG NANANAHAN SA KANIYA AY HINDI NAGKAKASALA; sinomang nagkakasala ay hindi nakakita sa kaniya, ni hindi man nakakilala sa kaniya." (1 Juan 3:6, Ang Biblia)
ayun malinaw na sinasabi ng kasulatan, na pagkatapos niyang mahayag upang magalis ng kasalanan dahil siya'y walang kasalanan, sinasabi ng kasunod na talata, na ang sinuman daw na manahan sa kanya ay hindi nagkakasala. Malinaw na angkop kay Maria yan, dahil si Maria ay full of grace ibig sabihin siya ay nasa pagkalinga ng Diyos at pagmamahal ng Diyos kung saan siya ay nanahan sa pagmamahal ng Diyos, kaya nga sinabi ng Anghel pagkatapos na siya'y batiin ng anghel na napupuno ng grasya, may idinugtong pa ang anghek sa kanya:
"Ang Panginoon ay sumasa iyo." (Lucas 1:28, Ang Biblia)
gayundin ay sinabi ng anghel na siya ay liliman ng Espiritu Santo:
"Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at liliman ka ng kapangyarihan ng Kataastaasan: kaya naman ang banal na bagay na ipanganganak ay tatawaging Anak ng Diyos." (Lucas 1:35, Ang Biblia)
ayun ang Panginoong Diyos pala ay nananahan sa kanya, bakit? sapagkat ang katawan ng tao ay templo ng Diyos:
"Hindi baga ninyo nalalaman na kayo'y templo ng Dios, at ang Espiritu ng Dios ay nananahan sa inyo? Kung gibain ng sinoman ang templo ng Dios, siya'y igigiba ng Dios; sapagka't ang templo ng Dios ay banal, na ang templong ito ay kayo." (1 Corinto 3:16-17, Ang Biblia)
gayon nga ang sinabi sa aklat ng Awit:
"At ang iyong templo'y nararapat lamang na ituring na banal magpakailanman." (Salmo 93:5, Ang Salita ng Dios Biblia)
dahil ang templo ng Diyos ay banal marapat lamang na doon siya tumahan:
"Sa banal na dako ng mga tabernakulo ng Kataastaasan." (Awit 46:5, Ang Biblia)
"Ang Dios ay nasa gitna niya." (Awit 46:5, Ang Biblia)
Yan ang dahilan kung bakit si Maria ay full of grace ay dahil siya ay dinalisay na ng Panginoon upang doon siya manahan at si Maria din naman ay mananahan sa piling ng Panginoon.
Born Again Accusation 3: si Mary ay ina ni Hesus sa
laman pero sa espiritu, si Hesus ay Diyos at Siya ang Diyos na lumikha
sa lahat so paanong naging ina ng Diyos si Mary e ang Diyos ang lumikha
kay Mary. Di mo yan lubusang naiintindihan ang dual nature of Jesus
Christ kc spiritually discerned ka.)
Reply to Accusation 3: Bakit? hiwalay ba ang pagkatao ni Jesus sa kanyang espritu noong siya ay ipinanganak ni Maria? di ata at hinati mo sa dalawa ang Panginoong Jesus. Naging Ina ng Diyos si Maria hindi dahil sa kay Maria nanggaling ang pagkDiyos ni Jesus bagkus ay dahil ang isinilang na bata ni Maria ay ang Diyos na nagkatawang tao, malinaw na sinasabi ng Banal na Kasulatan na ang ipinanganak ni Maria ay ang Verbong Nagkatawang tao, hindi lamang ang pagkato ni Jesus, dahil hindi naman magkahiwalay o hati si Jesus na nagmumukha siyang demigod. Dahil tignan natin sa Banal na Kasulatan."Huwag kang mangamba sa pagtanggap kay Maria na iyong asawa: sapagka't ang kaniyang dinadalang-tao ay sa Espiritu Santo. At siya'y manganganak ng isang lalake; at ang pangalang itatawag mo sa kaniya'y JESUS; sapagka't ililigtas niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan.At nangyari nga ang lahat ng ito, upang maganap ang sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi, Narito, ang dalaga'y magdadalang-tao at manganganak ng isang lalake, At ang pangalang itatawag nila sa kaniya ay Emmanuel; na kung liliwanagin, ay SUMASA ATIN ANG DIYOS." (Mateo 1:20-23, Ang Biblia)
malinaw na ayon kay San Pablo na ang batang isinilang ng babae ay ang Anak ng Diyos:
"Datapuwa't nang dumating ang kapanahunan, ay sinugo ng Dios ang kaniyang Anak, na ipinanganak ng isang babae, na ipinanganak sa ilalim ng kautusan." (Galacia 4:4, Ang Biblia)
malinaw sa mga naunang talata na ang ipinanganak ni Maria na bata ay ang Anak ng Diyos mismo, ang Emmanuel, kaya nga sinasabi ni Juan:
"Nang pasimula ay ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios." (Juan 1:1, Ang Biblia)
"At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama, na puspos ng biyaya at katotohanan." (Juan 1:14, Ang Biblia)
at sino itong Verbong nagkatawang tao? na siyang Anak ng Diyos na ipinanganak ni Maria? Wala iba kundi si Jesus, kaya ang ipinangnak mismo ni Maria ay ang Verbong nagkatawang tao, galing kay Maria ang laman ni Jesus ngunit hindi pwedeng paghiwalayin ang pagka-Diyos at pagka-tao ni Kristo, dahil ang ipinanganak mismo ni Maria ang Verbong nagkatawang tao, eto ang sitas ng Banal na Kasulatan:
"At narito, maglilihi ka sa iyong tiyan, at manganganak ka ng isang lalake, at tatawagin mo ang kaniyang pangalang JESUS." (Lucas 1:31, Ang Biblia)
"Kaya naman ang banal na bagay na ipanganganak ay tatawaging Anak ng Dios." (Lucas 1:35, Ang Biblia)
malinaw na ang ipinanganak ni Maria ay ang Verbong Diyos na nagkatawang tao, siyang Emmanuel ang Diyos na suma sa atin. At hindi isa lamang tao kundi Diyos na totoo at Tao rin namang totoo, dahil sinabi mismo ni Elisabet na si Maria ang Ina ng Panginoon:
"At ano't nangyari sa akin, na ang ina ng aking PANGINOON ay pumarito sa akin?." (Lucas 1:43, Ang Biblia)
sino ba itong Panginoon na kaniyang tinutukoy? walang iba kundi ang sanggol sa kaniyang sinapupunan, ang Cristong Panginoon:
"Sapagka't ipinanganak sa inyo ngayon sa bayan ni David ang isang Tagapagligtas, na siya ang CRISTO ANG PANGINOON." (Lucas 2:11, Ang Biblia)
saka isa pa, sa Biblia tanging ang Panginoong Diyos lamang ang tinatawag na PANGINOON:
"Dinggin mo nga, Oh Israel: ang Panginoon nating Dios ay ISANG PANGINOON." (Deuteronomio 6:4, Ang Biblia)
dahil diyan si Kristo din ay tinatawag din na Diyos:
"At nasa kanya tayo, na siyang totoo, sa Anak niyang si Jesucristo. Siya ang TOTOONG DIYOS at buhay na walang hanggan." (1 Juan 5:20, Biblia ng Sambayanang Pilipino)
kaya malinaw na marapat talaga na tawaging Ina ng Diyos si Maria sapagkat hindi dahil sa kanya nanggaling ang pagka-Diyos ni Jesus bagkus ay dahil ang sanggol na kaniyang dinala ay Diyos na nagkatawang tao at hindi lamang basta tao. Kaya ang born again na yan ay hindi marunong magbasa ng Biblia.
No comments:
Post a Comment
You can post your comments or questions about the Catholic Faith, kindly follow the following instructions before posting any comments:
1. Kindly specify your religious affiliation or from what religion, denomination or sect you belong.
2. Avoid posting vulgar or foul words, any post in this regard will be deleted
3. To avoid flooding the comment box kindly posts also your questions at the chatbox
4. Arguments and debates are not allowed in the commentbox to avoid flooding, you can only post your debates or arguments at the chat box not in the comment box.
5. Kindly specify your questions