isinulat at inirebisa ni
Christopher Garcia
Isa sa mga tanda ng pagiging katoliko ay ang pag-aantanda ng krus, ito ay matagal nang kaugalian ng mga katoliko nagbuhat pa sa panahon ng mga unang kristiyano. Ito rin ang tanda na madalas batikusin at atakihin ng mga di katoliko. Kapag nagkasalubong ang isang katoliko at isang di katoliko, at kapag nakita niya na nag-aantanda ng krus ang isang katoliko ay kaniyang sasabihin “Naku, brother bakit ka nag-aantanda ng krus,alam mo ban a masama yan ayon sa Biblia, dahil tanda yan ng antikristo.” Sabay basa sa talata ng aklat ng apocalipsis ang Apocalipsis 13:16:
“At ang lahat, maliliit at malalaki, at mayayaman at mga dukha, at ang mga laya at ang mga alipin ay pinabigyan ng ISANG TANDA SA KANILANG KANANG KAMAY O SA NOO.”
Pagkatapos ay kanilang idudugtong ang kasunod na talata:
“At ang ibang anghel,ang pangatlo,ay sumunod sa kanila, na nagsasabi ng malakas na tinig. Kung ang sinoman ay sumasamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at tumatanggap ng TANDA SA KANIYANG NOO, O SA KANIYANG KAMAY. Ay iinom din naman siya ng alakng kagalitan ng Dios, na nahahandang walang halosa inuman ng kaniyang kagalitan; at siya’y pahihirapan ng apoy at asupre sa harapan ng mga banal na anghel, at sa harapan ng Cordero: At ang usok ng hirap nila ay napaiilanglang magpakailan kalian man; at sila’y walang kapahingahan araw at gabi, silang mga nagsisisamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at sinomang tumatanggap ng TANDA NG KANIYANG PANGALAN.” (Apocalipsis 14:9-11)
Sa unang tingin ay mukhang kapani-paniwala ang sinasabi ng mga di katoliko dahil sa binabanggit sa mga talata ang katagang Tanda sa kanilang noo at kanang kamay ngunit tignan natin kung paano isinasagawa ang pag-aantanda ng krus. Ayon kay Monsignor Sabino Vengco sa kanyang aklat na pinamagatang” Mga Tanda at Kilos sa Liturhiya” sa pahina 5 ay ganito ang sinasabi:
“Ang TANDA NG KRUS na GINAGAWA NATIN SA NOO, DIBDIB AT MGA BALIKAT o ang tatlong maliliit na krus sa noo, sa bibig at sa dibdib ay pagpapahayag ng pananampalatayang ito. Ang PAGBAKAS SA TANDA NG KRUS AY SINASABAYAN NATIN NG PANANAWAGAN SA SANTISIMA TRINIDAD; “ SA NGALAN NG AMA AT NG ANAK AT NG ESPIRITU SANTO.”
Malinaw na malinaw na hindi kumporme ang sinasabi ng Apocalipsis 13:16 at Apocalipsis 14:9-11 sa pagsasagawa ng antanda ng krus. Bakit dahil ang karugtong ng talata na mismo ng Apocalipsis !3:17 ang nagsasabi kung ano bang tanda iyon:
“At nang huwag makabili o makapagbili ang sinoman,kundi siyangmayroong tanda, sa makatuwid ay ng PANGALAN NG HAYOP O BILANG NG KANIYANG PANGALAN.” (Apocalipsis13:17)
Napakalinaw na ang tinutukoy ng talata ay hindi ang tanda ng krus, dahil ang tanda ng krus ay hindi pagtatak sa noo at sa kanang kamay bagkus ito ay ang paggamit ng kanang kamay sa pagtuturo sa noo, dibdib at dalawang balikat sabay bigkas ng ‘Sa Ngalan ng Ama, Anak at ng Espiritu Santo.”Para maging mas malinaw ay kilalanin natin kung sino ba itong hayop na binabanggit ng Apocalipsis 13:17. Kung mababasa natin ang Apocalipsis 13 ay mapapansin natin na hindi lamang dalawang hayop ang nabanggit bagkus ay tatlo, sino ang mga iyon? Tignan natin isa isa:
Ang unang hayop na nabanggit ay ang Hayop na umaahon sa dagat:
“At nakita ko ang isang HAYOP NA UMAAHON SA DAGAT,na may sampung diadema, at sa kaniyang mga ulo ay mga pangalan ng kapusungan.” (Apocalipsis 13:1)
Ang ikalawang hayop ay ang halimaw na nagbigay ng kapangyarihan at kapamahalaan sa unang hayop at siyang nabanggit ang kaniyang pangalan sa Apocalipsis 12,
“At ibinigay sa kaniya ng DRAGON ang kaniyang kapangyarihan, at ang kaniyang luklukan,at dakilang kapamahalaan.” (Apocalipsis 13:2)
Ipinapakita sa Apocalipsis 12 kung ano ang pangalan ng Dragon na ito:
“At inihagis ang malaking DRAGON, ang matandang ahas,ang tinatawag na DIABLO at SATANAS, ang dumadaya sa buong sanglibutan, siya’y inihagis salupa,at ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya.” (Apocalipsis 12:9)
At gayundin naman ang ikatlong hayop ang Hayop na umaahon sa lupa:
“At nakita ko ang ibang HAYOP NA UMAAHON SA LUPA; at may dalawang sungay na katulad ng sa isangg kordero, at siya’y nagsasalitang gaya ng dragon.” (Apocalipsis 13:11)
Kitang kita natin na hindi talaga ang tanda ng krus ang sinasabi ng Apocalipsis 13 dahil sa pag-aantanda ng krus ay hindi naman natin sinasambit ang ngalan ng tatlong halimaw na nabanggit bagkus ay ang ‘Ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo’ mga katagang itinuro mismo ng ating Panginoong Jesucristo sa kaniyang mga alagad:
“Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila’y bautismuhan sa PANGALAN NG AMA AT NG ANAK AT NG ESPIRITU SANTO.” (Mateo 28:19)
Malinaw na sinasabi dito na ang pangalan na sinasambit ng mga katoliko sa pag-aantanda ng krus ay ang nasa Mateo 28:19 at hindi ang ngalan ng tatlong hayop sa Apocalipsis 13. Dahil ditto binabalaan ni Jesus ang sinomang lumait sa Dios sa pagsasabing ang mga pangalang sinasambit sa pag-aantanda ng krus ang Ngalan ng Ama, ng Anak at Espiritu Santo ay inilahantulad sa pangalan ng tatlong hayop sa Apocalipsis 13
“Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ipapatawad ang lahat ng kanilang kasalanan sa mga anak ng mga tao, at ang mga kapusungan nila kalian ma’t sila’y mangagsasalita ng kapusungan:
Datapuwa’t sinomang magsalita ng kapusungan laban sa Espiritu Santo ay walang kapatawaran magpakailan man, kundi may kasalanan ng isang kasalanang walang hanggan.” (Marcos 3:28-29).
Dahil diyan ay may sinabi si Pablo patungkol sa mga kaaway ng krus ng Panginoong Jesucristo, ganito ang kanyang sinasabi:
“Sapagka’t marami ang mga nagsisilakad, na siyang madalas na aking sinabi sa inyo, at ngayo’y sinasabi sa inyo na may pagiyak, na sila ang mga kaaway ng krus ni Cristo: Na ang kanilang kahihinatnan ay ang kapahamakan, na ang kanilang diyos ay ang tiyan, at ang kanilang kapurihan ay nasa kanilang kahihiyan, na nagiisip ng mga bagay na ukol sa lupa.” (Filipos 3:18-19)
Gayundin ay may sinabi si Jesus patungkol sa mga kaaway ng krus na ibig siyang alisin sa krus na kanyang kinamatayan:
“Lumagay ka sa likuran ko, Satanas: ikaw ay tisod sa akin: sapagka’t hindi mo pinagiisip ang mga bagay ng Dios, kundi ang mga bagay ng tao.” (Mateo 16:23)
Kung gayon paano masasabi ng mga di katoliko na ang tanda ng krus ay tanda ng anticristo gayong may binabanggit si Apostol San Juan patungkol sa tunay na pagkakakilanlan sa Anticristo na ganito ang sinasabi:
“Sino ang sinungaling kundi ang tumatanggi na si Jesus ay siyang Cristo? Ito ang anticristo, sa makatuwid ay ang TUMATANGGI SA AMA AT SA ANAK.” (1 Juan 2:22)
Malinaw na malinaw na hindi nga tanda ng anticristo ang tanda ng krus dahil hindi naman tinatanggi ng isang katolikong nag-aantanda ng krus ang Ama at ang Anak bagkus ay ipinapahayag pa niya ang pangalan ng Ama at ng Anak. Dahil dito hindi masasabi ng mga di katoliko na ang tanda ng krus ay tanda ng Anticristo, dahil malinaw na sinasabi ni Juan na ang anticristo ay tumatanggi sa Ama at sa Anak.
Ngayon ating ipapaliwanag naman natin kung ano ba ang kahulugan ng bawat kilos sa pag-aantanda ng krus. Ang Unang tanong ay kung bakit kanang kamay an gating ginagamit sa pag-aantanda ng krus?
Dahil ang kanang kamay ay simbolo ng proteksiyonb at pagkalinga at paggabay ng Diyos tignan natin sa Banal na Kasulatan:
“Gayunman ako’y kasama mong palagian, inaalalayan mo ang aking KANANG KAMAY.” (Awit 73:23,Ang Bagong Ang Biblia Edisyon 2001)
"Sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay hahawak ng iyong KANANG KAMAY, na magsasabi sa iyo, Huwag kang matakot; aking tutulungan ka." (Isaias 41:13)
Ikalawa, bakit sa noo unang itinuturo ang kanang kamay?
- Dahil ito ay simbolo ng karunungan sa pag-aaral ng kautusan na para bagang ito ay nakasulat sa kanilang mga noo.
2.Ito rin ay tanda o simbolo ng nasa ilalim ng proteksyon ng Diyos
“At sinabi sa kanila na huwag ipahamakang damo sa lupa, ni ang anomang bagay na saiwa,ni ang anomang punong kahoy, kundi ang mga tao lamang ns walang tatak ng Dios sa kanilang mga NOO.” (Apocalipsis 9:4)
“At tumingin ako, at narito, ang Cordero ay nakatayo sa bundok ng Sion, at ang kasama niya’y isang daan at apat na pu’t apat na libong may pangalan niya, at pangalan ng kaniyang Ama,na nasusulat sa kanikaniyang NOO. (Apocalipsis 1:14)
“At makikita nila ang kaniyang mukha; at ang kaniyang pangalan ay sasa kanilang mga NOO.” (Apocalipsis 22:4)
Ikalawa, Bakit sa dibdib naman?
- Dahil ang dibdib ay kung saan matatagpuan ang puso, ito ay tanda ng pagmamahal sa Dios ng buong puso:
- Ito rin ay nagpapaalala sa atin ng Dakilang Pag-ibig ng Diyos sa pagsusugo ng kanyang Bugtong na Anak sa sanlibutan at tanda rin ng pagmamahal ng Anak:
“Ako’y napako sa krus na kasama ni Cristo; at hindi na ako ang nabubuhay,kundi si Cristo ang nabubuhay sa akin; at ang buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman ay ikinabubuhay ko sa pananampalataya, ang pananampalataya na ito’y sa Anak ng Dios,na sa akin ay umibig, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa akin.” (Galacia 2:20)
“Dito nahayag ang pag-ibig ng Dios sa atin, sapagka’t sinugo ng Dios ang kaniyang bugtong na Anak sa sanglibutan upang tayo’y mabuhay sa pamamagitan niya.” (1 Juan 4:9)
“Ang sinomang nanampalataya na si Jesus ay siyang Cristo ay ipinanganak ng Dios: at ang bawa’t umiibig sa nanganak ay umiibig din naman sa ipinanganak niyaon.” (1 Juan 5:1)
Ikatlo, bakit naman natin itinuturo ang dalawang balikat sa pag-aantanda?
- Dahil ang balikat ay simbolo ng paglilingkod:
2.Tanda rin ito ng pagsunod natin kay Jesus sa pamamagitan ng pagpasan natin ng krus:
"Nang magkagayo'y sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad,Kung ang sinomang tao'y ibig sumunod sa akin ay tumanggi sa kaniyang sarili,at pasanin ang kaniyang KRUS at SUMUNOD SA AKIN." (Mateo 16:24)
- Ito rin ay simbolo ng pag-atag ng responbsibilidad sa pangangalag ng isang tao:
Dahil diyan imposible ang lahat ng paratang ng mga di katoliko sa pagsasabing ang tanda dawn g hayop sa Apocalipsis 13 ay ang tanda ng krus dahil kahit anong salin ba ng Biblia ang gamitin ay hindi ito pinatutungkol sa tanda ng krus at mas lalong hindi rin sinabi ng talata na iyon nga ang tanda ng krus. Para sa isang katoliko ay huwag dapat natin ikahiya ang pag-aantanda ng krus dahil ito ay tanda ng atin kaligtasan, tandaan natin na ang krus na ating ginagawa ay hindi lamang isang krus na walang laman kundi nakapaspecific dahil ito ay ang KRUS NG ATING PANGINOONG JESUCRISTO, hindi ang krus lamang na kahoy an gating pinatutungkulan kundi ang Kristo nakapako sa krus ang atin ipinapahayag tulad ng sinabi ni Pablo:
“Datapuwa’t an gaming ipinangangaral ay ANG CRISTO NA NAPAKO SA KRUS, na sa mga Judio ay katitisuran, at sa mga Gentil ay kamangmangan.” (1 Corinto 1:23)
Dahil dito hindi dapat ikahiya ng mga katoliko ang kanilang pag-aantanda ng krus kahit na sila pa ay pagtawanan, kutyain o punahin ng mga di nakakaunawa sa kahulugan ng krus ng ating Panginoong Jesucristo na kanyang ginamit upang iligtas ang sanlibutan, ating ipagmapuri ito katulad ng sinabi ni Pablo:
“Datapuwa’t malayo nawa sa akin ang pagmamapuri,maliban na sa KRUS NG ATING PANGINOONG JESUCRISTO, na sa pamamagitan niyao’y ang sanglibutan ay napako sa krus sa ganang akin, at ako’y sa sanglibutan.” (Galacia 6:14)
At sa huli ganito ang sinasabi ni San Pablo para sa kahalagahan ng krus sa ating kaligtasan at ano naman ito para sa mga di nakakaunawa dito:
“Sapagka’t ang SALITA NG KRUS ay kamangmangan sa kanila ng nangapapahamak; nguni’t ito’y kapangyarihan ng Dios sa atin na nangaliligtas.” (1 Corinto 1:18)
Dahil dito ay si mismo ang nagsabi ng kung paanong itinaas ni Moises ang tansong ahas ay gayundin naman ay itataas din ang Anak ng Tao at ang sinumang sumapalataya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan:
“At kung paanong itinaas ni Moises sa ilang ang ahas, ay gayon kinakailangang ITAAS ANG ANAK NG TAO; Upang ang sinomang sumampalataya ay magkaroon sa kanya ng buhay na walang hanggan.” (Juan 3:14-15)
Isang bagay lang kung bakit di matanggap ng mga di katoliko ang tanda ng krus ay sinabi mismo ng pasyong mahal:
“Yaong KRUS kung matingnan nang taong makasalanan agad pangingilabutan, sa dili pakikinabang bungang kasarap-sarapan.” (Pasiong Mahal, pahina 211)
Dahil diyan ay dapat na ipagmalaki ng mga katoliko ang tanda ng krus dahil ito ay tanda ng kanilang pagiging Kristiyano.
No comments:
Post a Comment
You can post your comments or questions about the Catholic Faith, kindly follow the following instructions before posting any comments:
1. Kindly specify your religious affiliation or from what religion, denomination or sect you belong.
2. Avoid posting vulgar or foul words, any post in this regard will be deleted
3. To avoid flooding the comment box kindly posts also your questions at the chatbox
4. Arguments and debates are not allowed in the commentbox to avoid flooding, you can only post your debates or arguments at the chat box not in the comment box.
5. Kindly specify your questions