isinulat at nirebisa ni
Christopher Garcia
Minsan kapag nakakarinig ang isang di katoliko ng isang katolikong tumatawag sa isang pari ng ‘Father’ ganito ang kanyang sasabihin “Brother, bakit mo tinatawag yung pari na ‘Father’? alam mo bang bawal yan dahil si Jesus mismo ang nagbawal niyan basahin mo yung Mateo 23:9’.Siyempre magugulumihanan yung katoliko dahil mababasa nga naman niya sa Biblia ang ganito:
“At huwag ninyong tawaging inyong AMA ang sinomang tao sa lupa; sapagka’t uusa ang inyong AMA sa makatuwid baga’y siya na nasa langit.” (Mateo 23:9)
Mukha ngang ipinagbabawal nh Panginoong Jesus ang pagtawag ng Father, pero may isa pang pahabol na tanong para sa mga di katoliko, saan nakasulat sa Biblia na pinayagan ni Jesus na tawaging Pastor ang mga Pastor nila? Tulad ng Pastor Joseph, Pastor Arnold? Diba si Jesus lang ang mabuting Pastor at wala nang iba pa bakit sila patatawag na mga Pastor? Tignan natin ang sinabi ni Jesus:
“Ako ang MABUTING PASTOR; at nakikilala ko ang sariling aking, at ang sariling akin ay nakikilala ko.” (Juan 10:11)
Ganun din ang pinatutunayan ng aklat ng apocalipsis:
“Sapagka’t ang Cordero na nasa gitna ng luklukan ay siyang magiging PASTOR nila, at sila’y papatnugutan sa mga bukal ng tubig ng buhay: at papahirin ng Dios ang bawa’t luha ng kanilang mga mata.” (Apocalipsis 7:17)
Ganito naman ang sasabihin ng mga Born Again at mga di-katoliko, “eh nasa Biblia kaya na pwede silang tawaging mga Pastor! Tignan mo kaya yung Efeso 4:11 mababasa mo yun doon.” Oh? Talaga tignan natin ang talata kung ganun:
“At pinagkalooban niya ang mga iba na maging mga apostol; at ang mga iba’y propeta; at ang mga iba’y evangelista; at ang mga iba’y PASTOR at mga guro.” (Efeso 4:11)
Nasaan diyan na pwedeng tawaging pastor ang mga pastor? Wala naman sinasabi sa talata diyan na pwedeng tawagin na Pastor ang iba. Saka ang sinasabi ng talata ay ganito:
“At pinagkalooban niya ang mga iba na maging mga apostol; at ang mga iba’y propeta; at ang mga iba’y evangelista; at ang mga iba’y pastor at MGA GURO.” (Efeso 4:11)
So pwede rin palang tawaging Guro ang sinoman, diba isa rin yan sa mga ipinagbawal sa Mateo 23 na ganito ang sinasabi:
“Datapuwa’t kayo’y huwag patawag na RABI: sapagka’t iisa ang inyong GURO, at kayong lahat ay magkakapatid.” (Mateo 23:8,Ang Biblia)
Gayundin naman ang nakasulat sa salin ng Magandang Balita Biblia na may imprimatur ni Jaime Cardinal Sin, Archiepiscopus Manilensis, Mayo 28, 1980, kung saan ganito ang sinasabi:
“Ngunit kayo-huwag kayong patawag na GURO, sapagkat iisa ang inyong GURO, at kayong lahat ay magkakapatid.” (Mateo 23:8)
Kahit sa wikang ingles ng Bibliang Katoliko at Protestate ay ganito rin ang sinasabi:
Ayon sa Bibliang Protestante:
“But be not ye called RABBI: for one is your Master, even Christ; and all ye are brethren.” (Matthew 23:8,King James Version)
“But you are not to be called ‘RABBI’, for you have only one Master and you are all brothers.” (Matthew 23:8, New International Version)
"But do not be called RABBI; for One is your TEACHER, and you are all brothers." (Matthew 23:8,New American Standard Version)
"But you are not to be called RABBI(TEACHER), for you have one TEACHER and you are all brothers." (Matthew 23:8,Amplified Bible)
"But as for you,do not be called 'RABBI,because you have TEACHER,and you are all brothers." (Matthew 23:8,Christian Standard Bible)
"Don't let anyone call you 'RABBI' for you have ONLY ONE TEACHER,and all of you are equal as brothers and sisters." (Matthew 23:8, New Living Translation)
Ayon naman sa Bibliang Katoliko:
“But be not you called RABBI. For one is your master; and all you are brethren.” (Matthew 23:8, Douai Rheims Version)
“As for you, do not be called ‘RABBI’. You have but ONE TEACHER, and you are all brothers.” (Matthew 23:8,New American Bible-Revised Edition)
“You, however must not allow yourselves be called RABBI, since you have only one Master, and you are all brothers.” (Matthew 23:8, New Jerusalem Bible)
"But you are not to be called RABBI,for you have one TEACHER, and you are all students." (Matthew 23:8, New Revised Standard Version-Catholic Edition)
"You must not be called 'TEACHER', because you are all equal and have ONLY ONE TEACHER."(Matthew 23:8,Good News Bible with Deuterocanonicals)
Kitang kita na kahit na aling salin ng Bibliang Katoliko o Protestante na ang ipinagbawal din pala ni Jesus na patawag ang sinuman na guro. Kung gagamitin ng mga di katoliko ang Efeso 4:11 bilang patunay na maaring tawaging pastor ang mga pastor nila, eh di pwede rin palang tawaging Guro ang isang tao gayong sinabi mismo ni Jesus na huwag daw patatawag na guro gayong nakasulat sa Efeso ang salitang guro katabi pa mismo at kasunod ng salitang pastor.
Tignan naman natin sa Banal na Kasulatan patungkol sa spiritual father, tinatawag ni Pablo ang kaniyang sarili bilang Ama:
“Hindi ko isinusulat ang mga bagay na ito upang kayo’y hiyain,kundi upang paalalahanan kayong tulad sa aking mga minamahal na ANAK. Sapagka’t bagaman mangagkaroon kayo ng sampung libong mga guro kay Cristo, ay wala nga kayong maraming MGA AMA; sapagka’t kay Cristo Jesus ipinanganak ko kayo sa pamamagitan ng evangelio.” (1 Corinto 4:14-15)
Tinawag din ni Esteban ang kaniyang mga tagapakinig na mga magulang:
“At sinabi niya,”Mga kapatid na lalake at mga MAGULANG,mangakinig kayo...” (Gawa 7:2)
Tignan naman natin sa salin ng Biblia sa ingles:
“To this he replied: “Brothers and FATHERS listen to me!(Acts7:2,New International Version)
“And he said, Men, brethren, and FATHERS, hearken.” (Acts 7:2,King James Version)
“Who said: Ye men, brethren, and FATHERS, hear.” (Acts 7:2,Douai Rheims)
“He replied, ‘My brothers, MY FATHERS ,listen to what I have to say.” (Acts 7:2, New Jerusalem Bible)
“And he replied, “My brothers and FATHERS, listen.” (Acts 7:2,New American Bible-Revised Edition)
“He answered, “Brothers and FATHERS, listen to me.” (Acts 7:2,Christian Community Bible)
Kahit na anong salin ng Bibliang katoliko at protestante sa ingles ay malinaw na tinatawag din ni Esteban ang kaniyang mga tagapakinig hindi lamang bilang kapatid kundi bilang mga ama.
Gayundin sa Lumang Tipan ay tinatawag din na AMA ang ilan sa mga propeta at hinirang ng Dios:
Tinawag si Propeta Elias na Ama ni Eliseo:
“At nakita ni Eliseo, at siya’y sumigaw. AMA KO, AMA KO, mga karo ng Israel at mga mangangabayo niyaon” At hindi na niya nakita siya: at kaniyang hinawakan ang kaniyang sariling kasuutan, at hinapak ng dalawang hati.” (2 Hari 2:12)
Bakit tatawagin na “Ama” ni Eliseo si Propeta Elias gayong hindi naman niya ito anak, dahil si Eliseo ay Anak ni Saphat:
“Sa gayo’y umalis siya roon at nasumpungan niya si ELISEO NA ANAK NI SAPHAT....” (1Hari 19:19)
Gayundin si Propeta Eliseo ay tinawag ding Ama ni Joas ang hari ng Israel:
“Si Eliseo nga ay nagkasakkit ng sakit na kaniyang ikinamatay; at binaba siya at iniyakan siya ni Joas na hari sa Israel, at nagsabi, AMA KO, AMA KO, ang mga karo ng Israel at ang mga nangangabayo niyaon.” (2 Hari 13:14)
sa salin ng Magandang Balita Biblia ay ganito ang sinasabi:
“Si Eliseo ay nagkasakit nang malubha at dinalaw siya ni Haring Joas ng Israel. Lumuluha nitong sinabi, “Paano kami ngayon,AMA na lakas at pag-asa ng Israel?” (2 Hari 13:14)
Hindi naman anak ni Eliseo si Joas bakit siya tinatawag nito na Ama? Diba ayon sa nakasulat si Joas ay anak ni haring Joachaz ng Israel:
“Nang ikatatlongpu’t pitong taon si Joas na hari ng Juda ay nagpasimula si JOAS NA ANAK NI JOACHAZ na maghari sa Israel sa Samaria, at nagharing labing anim na taon.” (2 Hari 13:10)
Sa aklat ni Propeta Isaias ay nabanggit doon na hinirang si Eliakim na Anak ni Hilcias na maging AMA sa mga nananahan sa Jerusalem at sangbahayan ni Juda:
“At mangyayari sa araw na yaon, na aking tatawagin ang aking lingkod na si Eliacim na anak ni Hilcias:
At aking susuutan siya ng iyong balabal, at patitibayin siya ng iyong pamigkis, at aking ipagkakatiwala ang iyong pamamahala sa kaniyang kamay: at siya’y magiging AMA SA MGA NANANAHAN SA JERUSALEM, AT SA SANGBAHAYAN NI JUDA.
At ang katungkulan sa sangbahayan ni David ay iaatang ko sa kaniyang balikat; at siya’y magbubukas, at walang magsasara; at siya’y magsasara, at walang magbubukas.” (Isaias 22:20-22)
Ginawa ito ng Panginoon kapalit ni Sebna ang katiwala na itinakwil ng Panginoon:
“Ganito ang sabi ng Panginoon,ng Panginoon ng mga hukbo,Ikaw ay yumaon,pumaroon ka sa tagaingat-yamang ito samakatuwid baga’y si SEBNA,na katiwala sa bahay,at iyong sabihin...” (Isaias 22:15)
“At aalisin kita sa iyong katungkulan, at sa iyong kinaroroonan ay ibubuwal kita.” (Isaias 22:19)
Kung gayon, ano bang ibig ipahiwatig ni Jesus sa kaniyang mga sinabi sa Mateo 23? Kung ating mababasa ang kabuuan ng Mateo 23 ay makikita natin na hindi ipinagbawal ni Jesus ang pagtawag ng Ama, bagkus ay ang pagtutol niya sa maling paggamit ng mga Pariseo sa kanilang titulo para mapansin ng tao at angkinin ang karangalan sa kanilang sarili kaysa sa Diyos na pinanggsalingan ng lahat ng autoridad, ganyan ang naging paalala ni Jesus kay Pilato na ang lahat ng awtoridad at kapangyarihan ay galing sa Diyos:
“Sumagot si Jesus sa kaniya, Anomang kapangyarihan ay hindi kay magkakaroon laban sa akin malibang ito’y ibinigay sa iyo mula sa itaas: kaya’t ang nagdala sa iyo sa akin ay may lalong malaking kasalanan.” (Juan 19:11)
Ito ay kabaligtaran sa ipinapakita ng mga Pariseo sa Mateo, dahil sinabi ni Jesus:
“Nang magkagayo’y nagsalita si Jesus sa mga karamihan at sa kaniyang mga alagad, Na nagsasabi, Nagsisiupo ang mga eskriba at mga Fariseo sa luklukan ni Moises. Lahat ngang mga bagay na sa inyo’y kanilang ipagutos ay gawin ninyo at ganapin: datapuwa’t huwag kayong magsigawa ng alinsunod sa kanilang mga gawa; sapagka’t kanilang sinasabi,at hindi ginagawa.” (Mateo 23:1-3)
Malinaw na malinaw na ang pinatutungkulan ni Jesus ay ang maling paggamit ng kapangyarihan ng mga Pariseo, dahil kung mababsa natin sa talata ay sinasabi diyan na sila ay nagsisiupo sa luklukan ni Moises, ibig sabihin sila ay may katungkulan bilang mga guro at dalubhasa ng Batas na magpaliwanag taglay ang awtoridad ni Moises, dahil sila ay umuupo sa luklukan ni Moises. Dahil dito, ginagamit ng mga Pariseo at Eskriba ang awtoridad na iyon hindi para sa paglilingkod kundi upang gamitin ito sa kasikatan at kapaimbabawan upang mapansin,papurihan at pagpugayan sila ng tao, at manipulahin ang iba gamit ang kapangyarihang ito:
“Oo,sila’y nangagbibigkis ng mabibigat na pasan at mahihirap dalhin, at ipinapasan nila sa mga balikat ng mga tao;datapuwa’t ayaw man lamang nilang kilusin ng kanilang daliri. Datapuwa’t ginagawa nila ang lahat ng kanilang mga gawa upang MANGAKITA NG MGA TAO: sapagka’t nangagpapalapad sila ng kanilang mga pilakteria, at nangagpapalapad ng mga laylayan ng kanilang mga damit, At iniibig ang mga pangulong dako sa mga pigingan, at ng mga pangulong luklukan sa mga sinagoga, At pagpugayan sa mga pamilihan,at ang sila’y tawagin ng mga tao,Rabi.” (Mateo23:4-7)
Kitang kita natin na ang tunay na pakay ng mga Pariseo at Eskriba ay ang pagpugayan sila ng mga tao at mapansin, kaya nga sinabi nga ni Jesus sa Ebanghelyo sa kanyang mga alagad na dapat silang mag-ingat sa kapaimbabawan ng mga Pariseo at Eskriba:
“At sinabi niya sa kaniyang pagtuturo, Mangagingat kayo sa mga eskriba, na ibig magsilakad na may mahahabang damit, at pagpugayan sa mga pamilihan. Ang ibig nila ang mga pangulong luklukan sa mga pigingan: Silang nangananakmal ng mga bahay ng mga babaing bao, at dinadahilan ay ang mahahabang panalangin; ang mga ito’y tatanggap ng lalong malaking kahatulan.” (Marcos 12:38-40)
Dahil diyan may paalala si Jesus sa kanyang mga alagad patungkol sa tunay na kadakilaan:
“Datapuwa’t sa inyo ay hindi gayon:kundi ang sinomang ibig na dumakila sa inyo ay magiging lingkod ninyo; At ang sinoman sa inyo ang magibig manguna,ay magiging alipinng lahat. Sapagka’t ang Anak ng tao rin naman ay hindi naparito upang paglingkuran, kundi upang maglingkod, at ibigay ang kaniyang buhay na pangtubos sa marami.” (Marcos 10:43-44)
gayundin aysinabi din niJesus na iniibig ng mga Pariseo na sila ay papurihan kaysa ang Diyos ang kanilang papurihan:
"Sapagka't iniibig nila ng higit ang kaluwalhatian sa mga tao kay sa kaluwalhatian sa Dios." (Juan 12:43)
kaya nga ito rin ay sinuportahan mismo ni San Pablo kung sino ang dapat nating papurihan:
"Datapuwa't ang nagmamapuri ay magmapuri sa Panginoon." (2 Corinto 10:17)
Gayundin ay ipinakita rin ni Jesus ang kahulugan ng paglilingkod sa pamamagitan niya ng pagbibigay ng halimbawa sa kanila sa pamamagitanng paghuhugas ng mga paa:
“Kung ako nga,na Panginoon at Guro,ay nahugas ng inyong mga paa,kayo naman ay nararapat ding mangaghugasan ng mga paa ng isa’t isa.” (Juan 13:14)
Isang halimbawa ng kababaang loob na hindi ipinagmamapuri ang sarili sa harapan ng tao ay si Juan Bautista, noong malaman niya na nagsisimula nang mangaral si Jesus at nawala na ang center of attraction ng mga tao sa kanya ay ipinakita niya ang kanyang kababaang loob, dahil alam niyang walang awtoridad o kapangyarihan na hindi galing sa Diyos, kaya ginampanan niya lang ang kanyang tungkulin, na kabaligtaran sa ginagawa ng mga Pariseo:
“Sumagot si Juan at sinabi, Hindi makatatanggap ng anoman ang isang tao,malibang ito’y ipinagkaloob sa kaniya mula sa langit. Kayo man ay magsisisaksi sa akin, na aking sinabi, Hindi ako ang Cristo,kundi , na ako’y sinugo sa unahan niya.” (Juan 3:27-28)
“SIYA’Y KINAKAILANGANG DUMAKILA, NGUNIT AKO’Y KINAKAILANGANG BUMABA.” (Juan 3:30)
Dahil diyan si Juan Bautista na mismo ang nagsabi na walang anoman na matatanggap ang isang tao malibang ito’y ipagkaloob sa kaniya mula sa langit. Ang mga Pariseo at Eskriba ay pinagkalooban ng awtoridad na mangaral at magturo sa mga tao bilang mga guro at tagapagpaliwanag ng Batas dahil taglay nila ang kapangyarihan ni Moises ang lingkod ng Diyos na siyang nagbigay ng Batas sa Israel. Kaya nga lang imbes na ibaba nila ang kanilang sarili sa Diyos ay mas naging mapagmataas sila at ibig nilang purihin sila ng mga tao kaysa ng Diyos. Kung saan lahat ng kapangyarihan at kapamahalaan ay nanggaling. Kaya nga sa unang kabanata ng Mateo 23 ay isinasalaysay ni Jesus patungkol sa katungkulan ng mga Pariseo at Eskriba:
““Nang magkagayo’y nagsalita si Jesus sa mga karamihan at sa kaniyang mga alagad, Na nagsasabi, NAGSISIUPO ANG MGA ESKRIBA AT MGA FARISEO SA LUKLUKAN NI MOISES. LAHAT NGANG MGA BAGAY NA SA INYO’Y KANILANG IPAGUTOS AY GAWIN NINYO AT GANAPIN: datapuwa’t huwag kayong magsigawa ng alinsunod sa kanilang mga gawa; sapagka’t kanilang sinasabi,at hindi ginagawa.” (Mateo 23:1-3)
Malinaw na ang ibig talagang patungkulan ni Jesus ay ang maling paggamit ng mga Pariseo ng kanilang katungkulan para mapansin ng tao. Dahil nagsisiupo sila sa luklukan ni Moises, kaya nga sinasabi din ni Jesus na anuman ang kanilang ituro at ipagutos ay dapat gawin at ganapin ngunit may exemption dahil pinaalalahanan din sila ni Jesus na huwag nga lang nilang gayahin o sundin ang ginagawa ng mga Pariseo na kapaimbabawan. Gayundin si San Pablo na kahit na may masamang hangarin ang punong pari sa kaniya ay kinikilala pa rin niya ang awtoridad nito bilang punong pari:
“At sinabi ni Pablo,Hindi ko nalalaman, mga kapatid na lalake, na siya’y dakilang saserdote: sapagka’t nasusulat: HUWAG KANG MAGSASALITA NG MASAMA SA ISANG PINUNO NG IYONG BAYAN.” (Gawa 23:5)
Yan ay alinsunod sa nasusulat:
“Huwag mong lalapagtanganin ang Dios, ni susumpain man ang pinuno sa iyong bayan.” (Exodo 22:28)
Dahil diyan may sinabi si Apostol San Pablo na dapat tayong pasakop sa mga kinauukulan at mga may kapangyarihan na mamahala sa atin:
“Kayo’y pasakop sa bawat palatuntunanng tao alangalang sa Panginoon: maging hari,na kataastaasan; O sa mga gobernador,na sinugo niya sa panghihiganti sa nagsisigawa ng masama at sa kapurihan ng nagsisigawa ng mabuti. Sapagka’t siyang kalooban ng Dios,na dahil sa paggawa ng mabuti ay inyong mapatahimik ang kamangmangan ng mga taong palalo.” (1 Pedro 2:13-15)
“Mga alila, kayo’y magsisuko na may buong takot sa inyong mga panginoon; hindi lamang sa mabubuti at mahihinahon, kundi naman sa mababagsik.” (1 Pedro 2:18)
Kaya ang sinasabi ng mga di katoliko na ipinagbabawal daw ni Jesus ang pagtawag ng “Father” sa mga pari ay isang kasinungalingan.Dahil wala ring nakasulat sa Biblia na isa man sa mga alagad at apostol na tinawag na Pastor Pablo, Pastor Pedro. Kahit sa lumang tipan ay wala rin, bagkus si Esteban din ay tumawag ng magulang sa mga kausap niyang Judio. Gayundin naman ay nagpatawag si Pablo na Ama sa kaniyang mga alagad. Sa lumang Tipan, sina Propeta Elias at Eliseo ay tinawag ding Ama, gayundin si Eliacimna Anak ni Hilcias ay tinawag ding Ama ng buong Jerusalem at ng Sambahayan ni Juda. Kaya ang pagtawag sa mga pari bilang Father ay mas biblical pa kaysa sa patawag ng Pastor. Saka diba sa kanilang mga Bible Studies ay nagpapatawag din ang mga born again na Pastor at Pastora ng teacher, na sa salitang Hebreo ay Rabi, na ang ibig sabihin ay guro, eh diba ipinagbabawal din yun ng Mateo 23 kasunod ng talatang kanilang ginagamit sa pagtuligsa ng pagtawag sa mga pari bilang “Father”. Kaya nga tama si Apostol Pablo patungkol sa mga taong walang alam na mahilig mambaluktot ng Kasulatan:
“Gayon din naman sa lahat ng kaniyang mga sulat, na doo’y sinasalita ang mga bagay na ito; na doo’y may ilang bagay na mahirap unawain,na isinisinsay ng mga di nakaaalam at ng mga walang tiyaga, na gaya rin naman ng kanilang ginagawa sa ibang mga kasulatan, sa ikapapahamak din nila.” (2 Pedro 3:16)
No comments:
Post a Comment
You can post your comments or questions about the Catholic Faith, kindly follow the following instructions before posting any comments:
1. Kindly specify your religious affiliation or from what religion, denomination or sect you belong.
2. Avoid posting vulgar or foul words, any post in this regard will be deleted
3. To avoid flooding the comment box kindly posts also your questions at the chatbox
4. Arguments and debates are not allowed in the commentbox to avoid flooding, you can only post your debates or arguments at the chat box not in the comment box.
5. Kindly specify your questions