Saturday, 30 June 2012

ANG AKING KOMENTARYO SA DEBATE NG MINISTRO NG IGLESIA NI CRISTONG TAO NI MANALO AT NI CFD-DAVAO PRESIDENT BRO. RYAN MEJILLANO

Part 1 ng Debate



Part 2 ng Debate

Part 3 ng Debate
Part 4 ng Debate
Part 5  ng Debate
Simula noong lumabas ang mga videos na ito ng pakikipagdebate ni Bro. Ryan Mejillano kay Ministro Julius Cutin ng INC. Maraming mga INC ang nagpost ng kanilang iba't ibang komento, sabi nila ang mga videos daw na yun ay edited. Isa na sa mga nagsabi nito si readmeiglesianicristo  ayon sa kanyang blog ganito ang kanyang mga sinabi:
"Yan ang Part3 ng debate ng Catholic Church: CFD President ng Davao City Mr. Ryan Mejillano at Iglesia ni Cristo: Ministro ng lokal ng Mintal, Davao City Ka Julius Cutin. Edited yung buong video ng debate para PUMABOR ang mga manonood ng youtube sa kanila, ang galing diba?" (posted June 24, 2012, Tawa pala ang taktika sa debate ng CFD President ng Davao City, The Iglesia Ni Cristo, by readme)
kung mapapansin natin ang sinabi ni readme na edited lang daw ang video kung saan pumapabor daw ito sa CFD. Pero kung titignan natin kahit hindi lagyan ng comment ng CFD yung video, ay kitang kita naman talaga ang style ng INC sa pakikipagdebate. Ayon na rin sa karanasan ko patungkol diyan ang mga INC ay sadyang mahilig umiwas sa tanong. Pag tinanong mo bigla na lang magtatanong din at iiwas sa sagot mo. Mahilig pa silang mangutya, sila yung sinasabi ng kasulatan na mga mahilig makipag-away na nagdadala ng ibang turo:
"Sinumang nagtuturo ng ibang aral at hindi sumasang-ayon sa tunay na salita ng ating Panginoong Jesu-Cristo at katuruanng naaayon sa banal na pamumuhay, siya ay nagyayabang at walang nalalaman. Mahilig siya sa mga pagtatalo tungkol sa mga salita, na nauuwi sa inggitan, alitan, panlalait, masamang hinala, sa pag-aaway ng mga taong marumi ang pag-iisip, ayaw kumilala sa katotohanan, at nag-aakalang ang banal na pamumuhay ay paraan ng pagpapayaman." (1 Timoteo 6:3-5, Filipino Standard Version)
Dahil diyan gumawa si readme ng isang version ng video na nilagyan niya rin ng kanyang mga komento, eto tignan natin:
Edited video version ni readme na nilagyan niya ng kanyang mga komento:
Eto yung mga comments ni readme sa video:
1st comment:
"Eto ang Edited video deabte galing sa katoliko upang pumabor sa kanila ang mga manonood. Wow tactic! Bias na bias."
2nd comment:
"Tactic: tawanan ang nag-eexplain ng maayos"
"Tactic: "Next question" dahil napahiya sila kasi nasasagot ng ministro yung tanong nila."
3rd comment:
"Pinapamili nila ang ministro yes or no lang. AYAW pagpaliwanagin kasi pag YES ang sagot talo nila ang ministro, pag NO talo pa rin ang ministro. Pinapili pa kung papabor din sa kanila. WOW tactic!"
additional side comments:
"Grabe tong mga katoliko na ito sa likod ng kamera ang iingay walang disiplina. Buti pa mga INC members nakaupo lang at nakikinig."
"Tactic: Tawa ulit wala namang nakakatawa. May sayad ata to eh, hehehe"
"Oh ayan naisahan tuloy kayo" hahaha, tawa kasi ng tawa ang iingay pa."
"Tawa ulit. Ano kaya to praning o nababaliw?"
"Sila mismo nakapansin kung paano naprapraning yung CFD nila."
"Makapalakpak naman mga to wala pa ngang sagot eh."
"Nagwala na naman sila. Yan makinig kayo sa kapwa nyo katoliko sinasaway na kayo eh."
"Oh yehey daw oh pumapalakpak pa hehehe."
"Tumawag kayo ng doktor malala na lagay nito."
"Oh yan makatawa ka wagas tanggapin mo sagot ng ministro."
"Tawa sabay next question. hahaha hindi ninyo kinaya noh."
"Makatawa ah."
"Tumawa na naman."
"Ok na daw, di pa nga tapos sumagot ang ministro takot sa katotohanan." 
4th comment:
"Sabi ko na, mga walang alam sa doktrina ng INC. Wala kaming doktrinang pag di nag-asawa sa demonyo na. Ang Iglesia Katolika naman, ipinag-uutos WAG MAG ASAWA ang PARI pero kailan lang binawi naging option na ang pag-aasawa tsk tsk."
last side comments:
"Nakapuntos na naman ang ministro hahaha."
"Nangiti na naman."
"Ober na di nato normal."
Kapansin pansin na ang karaniwang ekspresyon ng isang INC na nakikitang hirap makasagot ang ministro. Isa sa mga komento  niya na masasabi kong nakakatawa ay eto:
"Pinapamili nila ang ministro yes or no lang. AYAW pagpaliwanagin kasi pag YES ang sagot talo nila ang ministro, pag NO talo pa rin ang ministro. Pinapili pa kung papabor din sa kanila. WOW tactic!"
sabi niya na pinapapili daw ang ministro niya ng yes or no na sagot, eh diba ganun din sila kung magtanong answerable by yes or no, may kasama pang kondisyones. Paano ba naman kung titignan natin ang video napakasimple lang naman talaga ng tanong kaso kung anu ano pa mga sinasabi ng ministro na out of the topic. Kung sinagot na sana ng ministro ang tanong eh di sana ok na, saka may sinabi ang Banal na Kasulatan patungkol sa ganyang pagsagot:
"Sabihin mo na lang na 'Oo' kung oo at 'Hindi' kung hindi; sapagkat buhat na sa Masama ang anumang sumpang idaragdag dito." (Mateo 5:37, Magandang Balita Biblia)
kaya nga tinatanong ang ministro ng yes or no  ay dahil nais iclarify ng nagtatanong patungkol sa pinaninindigan ng pinagtatanungan.  Saka paano ba naman hindi matatawa si Bro. Ryan eh ang Ministro nila tinatanong na nga ang mga sagot naman malayo sa tanong at iniiba ang topic. Patungkol naman sa sinabi ng Ministro na hindi nila itinuturo na lahat ng rebulto ay dios diosan at pati ang pag-aalay ng bulaklak ay pagsamba, eto tignan natin ang recent edition nila ng PASUGO April issue:

                                                        PASUGO, APRIL 2012 Edition

     PASUGO, April 2012, pg. 30, 
                                                                     sinulat ni Ruben C. Santos
"Alam na alam nating maraming mga relihiyon ngayon ang gumagamit ng mga larawan sa kanilang pagsamba-kanila itong niluluhuran, INAALAYAN, at sinasamba."  (PASUGO. April 2012, pg.30)
Malinaw na malinaw  na sinasabi mismo ng kanilang PASUGO na ang pag-aalay ng  ay isang uri ng pagsamba. Ibig sabihin inamin din ng INC na ang pag-aalay ay isang uri ng pagsamba kaya ang pag-aalay ng bulaklak sa rebulto ni Felix Manalo ay isa ring uri ng pagsamba.

                    "Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa." (Exodo 20:4, Ang Biblia)
Kitang kita naman natin na ang mga INC mismo ay nagsasabi na hindi lahat ng rebulto ay masama, kaya nga jinujustify nila na hindi daw nila sinasamba ang rebulto ni Manalo pero panay naman banat nila sa mga rebulto ng Iglesia Katolika. Pero sila ok lang sa kanila na alayan ng bulaklak ang rebulto ni Felix Manalo sa loob ng kanilang Central. Patungkol naman sa kanyang sinabi na itinuturo daw ng Iglesia Katolika na dapat sambahin ang mga rebulto, ganito lang ang maisasagot ko. Kung sila inamin nila na hindi lahat ng rebulto ay masama at ang kanilang dahilan sa pagpapagawa ng rebulto ni Felix Manalo ay bilang pag-aalala ala lang sa kanya, ibig sabihin lang niyan na sinasang-ayunan din nila na ang paggamit ng rebulto ng Iglesia Katolika ay hindi mali, at isang paraan lamang ng paggalang at pag-aala ala sa nirerepresenta ng larawan o rebulto. Malinaw na ang mga INC ni Manalo ay sadyan walang alam sa tunay na katuruan ng Iglesia Katolika, kaya gumagamit sila ng mga aklat katoliko at binabaluktot ang mga nilalaman nito. Tignan natin kung paano magdasal ang mga katoliko, mula mismo sa isang aklat na pinamagatang, Tanglaw ng Aking Landas:
\


 "Pagkagising mo, at gumawa ka ng tanda ng Krus, ihandog mo ang iyong puso sa Diyos at sabihin: "Jesus, Maria at Jose, inihahandog ko sa inyp ang puso ko at kaluluwa." Pagkabihis mo, lumuhod ka, at magdasal ng sumusunod: Sa  ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen." (pahina 39, Tanglaw ng Aking Landas)
At ganito naman ang sinasabi ng Opisyal na Katesismo ng Iglesia Katolika, ang Catechism of the Catholic Church hinggil sa tunay na katuruan ng Iglesia Katolika tungkol sa paggamit ng mga rebulto:
            


  Ang opisyal na Katesismo ng lahat ng Katuruan ng Iglesia Katolika 
"The Christian veneration of images is not contrary to the First Commandment which proscribe idols. Indeed, "the honor rendered to an image passes to its prototype," and "whoever venerates an image venerates the person portrayed in it." The honor paid to sacred images is a "RESPECTFUL VENERATION", NOT ADORATION DUE TO GOD ALONE: Religious worship is not directed to images in themselves, considered as mere things, but under distinctive aspect as images  leading us on to God incarnate. The movement toward the image does not terminate in it as image, but tend toward that whose image it is." (2123, pg.575, Catechism of the Catholic Church)
Dahil diyan pinatutunayan din yan ng isang katesismong inakda ng Kalipunan ng mga Obispong Katoliko sa Pilipinas o (CBCP) na pinamagatang Catechism For Filipino Catholics:
            Katesismong Inilathala ng
 Catholic Bishop's Conference of the Philippines
 para sa Simbahan sa Pilipinas
"Statues and images of Christ, Mary and the Saints are HELPS for authentic Christian prayer of worship of God, Christ himself, and of veneration of God's Blessed. Religious statues and images HAVE NO POWER IN THEMSELVES, BUT ONLY TO HELP US TO RELATE TO CHRIST, MARY AND THE SAINTS." (929, pg.259, Catechism For Filipino Catholics)
Dahil diyan hindi kailanman iniba ng Iglesia Katolika ang kanyang mga turo patungkol sa tamang paggamit ng mga rebulto at mga larawan, upang hindi sambahin, tignan natin ang mga sinaunang paninindigan ng Iglesia Katolika patungkol sa turo nito patungkol sa tamang paggamit ng mga larawan:
                                                                   

                                               Second Council of Nicaea (787 A.D.)
"We, therefore, following the royal pathway and the divinely inspired authority of our Holy Fathers and the traditions of the Catholic Church (for, as we all know, the Holy Spirit indwells her), define with all certitude and accuracy that just as the figure of the precious and life-giving Cross, so also the venerable and holy images, as well in painting and mosaic as of other fit materials, should be set forth in the holy churches of God, and on the sacred vessels and on the vestments and on hangings and in pictures both in houses and by the wayside, to wit, the figure of our Lord God and Saviour Jesus Christ, of our spotless Lady, the Mother of God, of the honourable Angels, of all Saints and of all pious people. For by so much more frequently as they are seen in artistic representation, by so much more readily are men lifted up to the memory of their prototypes, and to a longing after them; and to these should be given due salutation and honourable reverence (σπασμν κα τιμητικν προσκύνησιν), not indeed that true worship of faith (λατρείαν) which pertains alone to the divine nature; but to these, as to the figure of the precious and life-giving Cross and to the Book of the Gospels and to the other holy objects, incense and lights may be offered according to ancient pious custom. For the honour which is paid to the image passes on to that which the image represents, and he who reveres the image reveres in it the subject represented. For thus the teaching of our holy Fathers, that is the tradition of the Catholic Church, which from one end of the earth to the other has received the Gospel, is strengthened."  (The Decree, Seventh Session, Second Council of Nicaea, 787 A.D.)


                                                                  The Council of Trent (1545-1563)
"Moreover, that the images of Christ, of the Virgin Mother of God, and of the other saints, are to be had and retained particularly in temples, and that due honour and veneration are to be given them; not that any divinity, or virtue, is believed to be in them, on account of which they are to be worshipped; or that anything is to be asked of them; or, that trust is to be reposed in images, as was of old done by the Gentiles who placed their hope in idols; but because the honour which is shown them is referred to the prototypes which those images represent; in such wise that by the images which we kiss, and before which we uncover the head, and prostrate ourselves, we adore Christ; and we venerate the saints, whose similitude they bear: as, by the decrees of Councils, and especially of the second Synod of Nicaea, has been defined against the opponents of images."  (Session 25, Council of Trent, 1545-1563)
Dahil diyan pinatutunayan din yan ng isa sa mga Dakilang Ama ng Simbahan na si San Juan ng Damasco ayon mismo sa kanyang aklat na An Exposition of the Orthodox Faith:
                                              San Juan ng Damasco (645-749 A.D.)
 " But since some find fault with us for worshipping and honouring the image of our Saviour and that of our Lady, and those, too, of the rest of the saints and servants of Christ, let them remember that in the beginning God created man after His own image. On what grounds, then, do we show reverence to each other unless because we are made after God's image? For as Basil, that much-versed expounder of divine things, says, the honour given to the image passes over to the prototype. Now a prototype is that which is imaged, from which the derivative is obtained." (Chapter 16, Book IV, An Exposition of the Orthodox Faith, San John of Damascus, 645-749 A.D.)
Malinaw na malinaw na sa simula pa lang ay itinuturo na ng Iglesia Katolika na hindi dapat sambahin ang mga rebulto, bagkus ito ay mga instrumento lamang o paalala ng nirerepresenta ng larawan at rebulto. Kaya maraming hindi alam at binabaluktot ng ibang sekta lalo na ng INC ang turo ng Iglesia Katolika patungkol sa mga rebulto at larawan. Kung titignan natin sa Banal na Kasulatan, makikita natin na pinapayagan ang paggawa ng rebulto sa TAMANG paraan basta't huwag lamang itong sosobra o hihigit na hahantong na mismong ibinibigay na sa rebulto ang mismong pagsambang nauukol sa Diyos. Tignan natin ang Banal Na Kasulatan patungkol sa paggamit ng rebulto:

    "Lalagyan mo ng dalawang kerubing ginto ang dalawang dulo nito, tig-isa sa nagkabilang dulo. Ihihinang ang mga kerubin upang ito at ang Luklukan ng Awa ay parang iisa. Gawing mong magkaharap ang dalawang kerubin na parehong nakatungo, at nakabuka ang mga pakpak na parang nilulukuban ang Luklukan ng Awa. Ilalagay mo ito sa ibabaw ng kaban na kinalalagyan ng dalawang tapyas na bato ng kautusang ibibigay ko sa iyo. Doon kita tatagpuin sa Luklukan ng Awa, sa pagitan ng dalawang kerubin; doon ko ibibigay sa iyo ang kautusan ko sa mga Israelita." (Exodo 25:18-22, Magandang Balita Biblia)
"At sa ibabaw ng Kaban ay may mga kerubin, na NAGPAPAKILALANG NAROON ANG DIYOS." (Hebreo 9:5, Magandang Balita Biblia)

    "Winahak ni Josue ang kanyang kasuutan sa matinding paghihinagpis, at nagpatirapa sa harap ng Kaban ng Tipan ni Yahweh.Naglagay din ng abo sa ulo at nagpatirapang kasama ni Josue ang mga pinuno ng Israel hanggang sa lumubog ang araw." (Josue 7:6, Magandang Balita Biblia)                 
"Dumalangin nga si Moises at ganito ang sagot sa kanya ni Yahweh, "Gumawa ka ng isang ahas na tanso. Ilagay mo iyon sa dulo ng isang tikin at sinumang natuklaw ng ahas na tumingin doon ay hindi mamamatay." Gayon nga ang ginawa ni Moises. Mula noon, lahat ng matuklaw ng ahas ngunit tumingin sa ahas na tanso ay hindi namamatay." (Bilang 21:7-9, Magandang Balita Biblia)


"Sa loob ng Dakong Kabanal-banalan, nagpalagay siya ng dalawang kerubin, imaheng nililok sa kahoy na olibo. Labinlimang talampakan ang taas ng bawat isa. Pito't kalahating  talampakan naman ang haba ng bawat pakpak, kaya't labinlimag talampakan  ang sukat ng mga pakpaka buhat sa magkabilang dulo. gayon idin ang sukat ng pangalawang kerubin, iisa ang sukat at hugis ng dalawa. Labinlimang talampakan din ang taas ng bawat kerubin. Inilagay  niya ang mga kerubin sa gitna ng Debir o Dakong Kabanal-banalan. Nakabuka ang kanilang mga pakpak, anupat sa gawing labas ay abot sa dingding ng silid  ang tig-isa nilang pakpak. Sa gawing loob naman , ang mga dulo ng tig-isa nilang pakpak ay panagpo sa gitna ng silid. balot din ng gintong  lantay ang dalawang kerubin." (1 Hari 6:23-28, Magandang Balita Biblia)
 "Ang buong dingding ng Templo, maging sa Dakong Kabanal-banalan, maging sa Dakong Banal  ay may ukit na mga kerubin, punong palma at mga bulaklak." (1 Hari 6:29-30, Magandang Balita Biblia)
 "Gumawa siya ng isang malaking kawa na pinangalanang Dagat na Tanso, Labinlimang talampakan ang luwang ng labi nito, pito't kalahating talampakan ang lalim at apatnapu't limang talampakan ang sukat sa pabilog. May dalawang hanay na palamuting hugis upo ang gilid nito sa dakong labas, sampu sa bawat isang talampakan at kalahati. Ang mga upo ay binubong kasama ang kawa. Ang Dagat na Tanso ay ipinatong sa gulugod ng labindalawang  torong tanso, na magkakatalikuran: tatlo ang naharap sa silangan, tatlo sa kanluran, tatlo sa hilaga at tatlo sa timog. Tatlong pulgada ang kapal ng kawa at ang labi nito'y parang labi ng saro, hugis bulaklak ng liryo. Ang lulan ng Dagat na Tanso ay 10,000 galong tubig." (1 Hari 7:23-26, Magandang Balita Biblia)
Malinaw na malinaw mismo sa Banal Na Kasulatan na ang tunay na ipinagbabawal ay ang PAGSAMBA AT PAGLILINGKOD SA MISMONG LARAWAN o REBULTO, ang veneration o paggalang ay hindi pagsamba, dahil hindi naman ang mismong bato ang ginagalang kundi ang inirerepresentang personalidad na nakaukit sa rebulto at hindi ang materyal kung saan ito gawa. Dahil ang tanging tinutukoy na idolatriya ay yung sinasamba na mismo yung bato na para bagang yung materyal na bato na iyon ay milagroso, o kaya naman kung saan ang nirerepresenta ng rebulto na iyo ay hindi kailanman tunay na nabuhay sa lupa na siyang gawa ng isipan lamang ng tao na kaiba sa nirerepresenta ng rebulto sa Simbahan dahil ang mga nirerepresenta noon ay mga tunay na personalidad na nabuhay sa realidad. Kaya nga ganun din ang paniwala ng INC noong ginawa nila ang rebulto ni Felix Manalo.
 Patungkol naman sa sinabi ni readme sa Clerical celibacy na ganito ang kanyang komento:
"Sabi ko na, mga walang alam sa doktrina ng INC. Wala kaming doktrinang pag di nag-asawa sa demonyo na. Ang Iglesia Katolika naman, ipinag-uutos WAG MAG ASAWA ang PARI pero kailan lang binawi naging option na ang pag-aasawa tsk tsk."
Ganito lang  ang masasabi ko kay readme, "ikaw ang walang alam sa tunay na pinaniniwalaan ng Iglesia Katolika patungkol sa di pag-aasawa ng pari." Bakit? dahil ang celibacy  ay kusa at hindi sapilitan, and besides hindi ito doktrina bagkus ito ay disiplina. Di ata aware si readme na ang Iglesia Katolika ay nahahati sa dalawang parte ang Latin Rite at Eastern Rite di ata aware si readme sa bagay na ito at hindi rin siya aware na sa simbahan ang inordehanahang permanent deacon  ay maaring mag-asawa. Di alam ni readme na ang mga pari ng mga Eastern Rite Catholic ay maaring mag-asawa, hindi dahil recently lang binago, bagkus ito ay matagal nang kaugalian sa Simbahan sa Silangan, tanging sa Simbahan sa Kanluran lamang applicable bilang disiplina at hindi doktrina ang di pag-aasawa ng mga pari, and besides, hindi po ito imposed or sapilitan kundi kusang loob, tignan natin ang katuruan ng Iglesia Katolika patungkol dito:
Katuruan ng Simbahan patungkol sa Celibacy sa Simbahan sa Kanluran:
"All the ordained ministers of the Latin Church, with the exception of permanent deacons, are normally chosen from among men of faith who live a celibate life and who intend to remain celibate  "for the sake of the kingdom of heaven." Called to consecrate themselves with undivided heart to the Lord and to "the affairs of the Lord," they give themselves entirely to God and to men. Celibacy is a sign of this new life to the service of which the Church's minister is consecrated; accepted with  a joyous heart celibacy radiantly proclaims the Reign of God." (1579,pg.443 Catechism of the Catholic Church)
Patungkol naman sa Simbahan sa Silangan:

"In the Eastern Churches a different discipline has been in force for many centuries: while bishops are chosen solely from among celibates, married men can be ordained as deacons and priests. This practice has long been considered legitimate; these priests exercise a fruitful ministry within their communities. Moreover, priestly celibacy is held in great honor in the Eastern Churches and many priests have freely chosen it for the sake of the Kingdom of God. In the East as in the West a man who has already received the sacrament of Holy Orders can no longer marry." (1580, pg. 443, Catechism of the Catholic Church)
Pinatutunayan din yan ng mga nakaraang Santo Papa, patungkol sa tunay na katuruan ng Simbahan sa di pag-aasawa ng mga pari, hindi sapilitan kundi bukal sa loob:
 
                                                                       Papa Pio X

"   But the Christian priesthood, being much superior to that of the Old Law, demanded a still greater purity. The law of ecclesiastical celibacy, whose first written traces pre-suppose a still earlier unwritten practice, dates back to a canon of the Council of Elvira, at the beginning of the fourth century, when persecution still raged. This law only makes obligatory what might in any case almost be termed a moral exigency that springs from the Gospel and the Apostolic preaching. For the Divine Master showed such high esteem for chastity, and exalted it as something beyond the common power; He Himself was the Son of a Virgin Mother,  and was brought up in the virgin family of Joseph and Mary; He showed special love for pure souls such as the two Johns - the Baptist and the Evangelist. The great Apostle Paul, faithful interpreter of the New Law and of the mind of Christ, preached the inestimable value of virginity, in view of a more fervent service of God, and gave the reason when he said: "He that is without a wife is solicitous for the things that belong to the Lord, how he may please God." All this had almost inevitable consequences: the priests of the New Law felt the heavenly attraction of this chosen virtue; they sought to be of the number of those "to whom it is given to take this word," and they spontaneously bound themselves to its observance." ( 43,   AD CATHOLICI SACERDOTII,Pope Pius XI)

                                                    Papa Juan XXIII
                  
"John M. Vianney was an outstanding model of voluntary mortification of the body as well as of detachment from external things. "There is only one way"—he used to say—"for anyone to devote himself to God as he should through self-denial and the practice of penance: that is by devoting himself to it completely." Throughout his whole life, the holy Cure of Ars carried this principle into practice energetically in the matter of chastity. This wonderful example of chastity seems to have special application to the priests of our time who—as is unfortunately the case in many regions—are often forced by the office they have assumed to live in the midst of a human society that is infected by a general looseness in morals and a spirit of unbridled lust. How often this phrase of St. Thomas Aquinas is proved true: "It is harder to lead a good life in the work of caring for souls, because of the external dangers involved" . To this We might add the fact that they often feel themselves cut off from the society of others and that even the faithful to whose salvation they are dedicated do not understand them and offer them little help or support in their undertakings.We want to use this letter, Venerable Brethren, to exhort, again and again, all of them, and especially those who are working alone and in the midst of very serious dangers of this kind, to let their whole life, so to say, resound with the splendor of holy chastity; St. Pius X had good reason to call this virtue the "choicest adornment of our order." Venerable Brethren, do all you can and spare no effort to see to it that the clergy entrusted to your care may enjoy living and working conditions that will best foster and be of service to their ardent zeal. This means that every effort should be exerted to eliminate the dangers that arise from too great an isolation, to issue timely warnings against unwise or imprudent actions, and last of all to check the dangers of idleness or of too much external activity....What great benefits are conferred on human society by men like this who are free of the cares of the world and totally dedicated to the divine ministry so that they can employ their lives, thoughts, powers in the interest of their brethren! How valuable to the Church are priests who are anxious to preserve perfect chastity!" (20-23,25, SACERDOTII NOSTRI PRIMORDIA, Pope John XXIII)


                                                    Papa Pablo VI


"The consecrated celibacy of the sacred ministers actually manifests the virginal love of Christ for the Church, and the virginal and supernatural fecundity of this marriage, by which the children of God are born, "not of blood, nor of the will of the flesh." . The priest dedicates himself to the service of the Lord Jesus and of His Mystical Body with complete liberty, which is made easier by his total offering, and thus he depicts more fully the unity and harmony of the priestly life.  His ability for listening to the word of God and for prayer increases. Indeed, the word of God, as preserved by the Church, stirs up vibrant and profound echoes in the priest who daily meditates on it, lives it and preaches it to the faithful.(26-27, SACERDOTALIS CAELIBATUS, Pope Paul VI)
           
Pinatutunayan din yan ng Ikalawang Konsilyo Batikano, o pagpupulong ng mga Obispo sa Roma, patungkol sa katuruan ng Simbahan sa Celibacy:

 
                                                        Ikalawang Konsilyo Batikano

"This sacred Council also exhorts all priests who, with trust in God's grace, have of their own free choice accepted consecrated celibacy after the example of Christ, to hold fast to it with courage and enthusiasm, and to persevere faithfully in this state, appreciating that glorious gift that has been given them by the Father and is so clearly extolled by the Lord, and keeping before their eyes the great mysteries that are signified and fulfilled in it." (16, pg.893, Chapter III,Presbyterorum Ordinis, VATICAN COUNCIL II)


Dahil diyan nagkakamali si readme na ipinag-uutos daw ng simbahan na ipagbawal daw ang pag-aasawa sa pari, nakakalimutan niya na ang Simbahan sa Silangan ay nag-aasawa ang kanilang pari, pero sila ay katoliko na may kakaibang kaugalian ng pagsamba at liurhiya ngunit sila ay united sa Iglesia Katolika Apostolika Romana, at eto pa pala nakakalimutan din si readme na ang Simbahan ay may tinatawag na Permanent Deacon sila ang mga inordenahang Diyakono na may asawa, eto tignan natin ang tungkulin ng isang permanent deacon:

 " Since the Second Vatican Council the Latin Church has restored the diaconate "as a proper and permanent rank of the hierarchy," while the Churches of the East had always maintained it. This permanent diaconate, which can be conferred on married men, constitutes an important enrichment for the Church's mission. Indeed it is appropriate and useful that men who carry out a truly diaconal ministry in the Church, whether in its liturgical and pastoral life or whether in its social and charitable works, should "be strengthened by the imposition of hands which has come down from the apostles. They would be more closely bound to the altar and their ministry would be made more fruitful through the sacramental grace of the diaconate." (1571, pg.440, Catechism of the Catholic Church)


Malinaw na malinaw na ang di-pag-aasawa ng mga pari ay hindi isang turo o dogma ng Simbahan bagkus ito ay isang uri ng disiplina upang ang isang pari ay mas maging lalong  focus sa kanyang paglilingkod kay Kristo, sapagkat ayon kay San Pablo ang isang lalaking walang asawa ay:

"Ang lalaking walang asawa ay nag-aalala tungkol sa mga bagay ng Panginoon, kung paano niya mabibigyang kasiyahan ang Panginoon." (1 Corinto 7:32, Filipino Standard Version)

Eh bakit nga ba naging disiplina na ng Simbahan ang Celibacy, dahil  si San Pablo na rin ang nagsabi na ang pag-aasawa ay may alalahaning makasanlibutan, malinaw yang ipinahayag ni Apostol San Pablo at nahahati ang kanyang atensyon kung paanong mabibigyang kasayahan ang kanyang asawa:

"Ngunit ang lalaking may asawa ay nag-aalala  tungkol sa mga bagay ng sanlibutan, kung paano niya mabibigyang kasiyahan ang kanyang asawa, at nahahati ang kanyang pag-iisip." (1 Corinto 7:33, Filipino Standard Version)

Pinatutunayan din yan ng ating Panginoong Jesucristo ang kagandahan ng di pag-aasawa, bilang pag-iwan sa lahat lahat ng makalumang buhay at ang maglingkod sa Panginoon ng buung buo sa estado ng di pag-aasawa.

"Sapagkat may mga eunuko, na ipinanganak na gayon mila sa sinapupunan ng kanilang mga ina; at may mga eunuko na ginawang eunuko ng mga tao; at may mga eunuko na ginawang eunuko ang kanilang sarili alang-alang sa kaharian ng langit. Ang makakatanggap nito, ay hayaang tumanggap." (Mateo 19:12, Ang Bagong Ang Biblia)

"Katotohanang sinasabi ko sa inyo, walang sinuman na nag-iwan ng bahay, o asawang baabe, o mga kapatid o mga magulang o mga anak dahil sa kaharian ng Diyos." (Lucas 18:29, Ang Bagong Ang Biblia)


"At sinumang nag-iwan ng mga bahay, o mga kapatid na lalaki, o mga kapatid na babae, o ama, o ina, o mga anak, o mga lupa, alang-alang sa aking pangalan, ay tatanggap ng makasandaang ulit at magmamana ng buhay na walang hanggan." (Mateo 19:29, Ang Bagong Ang Biblia)


Magaling si readme at ang mga INC na magsabi na hindi daw alam ng mga pumupuna sa knila ang kanilang mga aral, tapos pag ang Iglesia katolika naman ang kanilang tinutuligsa akala mo naman eh alam na nila ang mga aral ng Iglesia Katolika na kanilang binabaluktot, mahilig din sila kumuha ng sipi mula sa katolikong aklat at binabaluktot ito lalo na sa pamamagitan ng maling salin na siyang orihinal na nasusulat sa salitang Ingles. Patago sila kung ilantad ang mga aral nila sa takot na mapahiya sila at mapatunayang walang katotohanan ang mga akusasyon nila sa Iglesia Katolika, kaya ang karaniwan nilang sinasabi ay 'kung gusto mong malaman ang aral ng INC pumunta ka sa aming ministro at magpadoktrina' kaya nga tama si San Pablo na ang mga bagay na palihim nilang ginagawa ay kahiya hiya:

"Sapagkat ang mga bagay na palihim nilang ginagawa ay kahiya-hiya" (Efeso 5:12, Ang Bagong Ang Biblia)

palihim ang mga INC kung mangaral, kaya nga di nila pinapayagan ang mga di nila kaanib na magkaroon ng kopya ng aklat ng kanilang mga aral lalung lalo na ang PANDOKTRINA ang opisyal na aklat ng kanilang mga aral na tanging ministro lamang ang pwedeng humawak at gayundin ay hindi nila pinapayagan na magbasa ng Banal na Aklat ang kanilang mga kaanib, at tanging sa ministro lamang makinig at maniwala dahil sa takot nila na malaman ng mga kaanib ang kanilang mga baluktot na aral, kaya nga sinasabi ni Jesus na ang mga nasa dilim ay takot sa liwanag na malantad ang kanilang mga masasamang gawa:

"Sapagka't ang bawa't isa na gumagawa ng masama ay napopoot sa ilaw, at hindi lumalapit sa ilaw, upang huwag masaway ang kaniyang mga gawa." (Juan 3:20, Ang Biblia)

Kaya nga kapag tinatanong natin ang mga INC na kaanib o Ministro na hindi nila masagot o kaya naman dahil napatunayang mali ang akusasyon nila. Natatakot sila na sagutin ito kaya iibahin nila ang usapan. Kasi natatakot sila na malantad na mali ang kanilang mga ginagawa at pawang walang katotohanan. Di katulad ng Iglesia Katolika na walang itinatago lalo na ang kanyang mga aklat ng aral na ginagamit ng pari, obispo at mga layko dahil sila ay lumalakad sa liwanag at walang dapat itago ang anuman kaya nga nakakakuha pa ng kopya ng aklat ng kanyang mga aral ang mga di kaanib dahil wala namang dapat itago, dahil naniniwala ang Iglesia Katolika na:


"Datapuwa't ang gumagawa ng katotohanan ay lumalapit sa ilaw, upang mahayag na ang kaniyang mga gawa ay ginawa sa Diyos." (Juan 3:21, Ang Biblia)

Patungkol naman sa turo ng Simbahan patungkol sa kahalagahan ng kasal at sa hindi pagbabawal na ito ng Santa Iglesia Katolika


"Ang pagsasama ng lalake at babae sa kasal, na nakabatay at binigyan ng Lumikha nararapat na mga batas, ay para sa ugnayan at kabutihan ng mag-asawa na naaayon naman sa katotohanan ng kasal, at ito rin ay para sa pagkakaroon ng mga anak at upang tulungan ang kanilang supling na lumago sa karunungan. Ayon sa unang kalooban ng Diyos, ang pagsasama sa kasal ay di napaghihiwalay, tulad ng itinuro ni Hesukristo "|Ang pinagsama ng Diyos ay di mapaghihiwalay ng tao." (Marcos 10:9)" (338,pahina 136, Katesismo ng Simbahang Katolika)

Malinaw na malinaw na binibigyan ng Iglesia Katolika ng importansya ang sakramento ng kasal at hindi katulad ng iniisip ng INC na ipinagbabawal daw ito, dahil para sa kanila ARAL DAW ang di pag-aasawa ng pari sa katunayan di totoo yun, dahil ang di pag-aasawa ng pari ay si sapilitan at ito ay isa lamang disiplina kung saan ang isang pari ay binibigyan ng pagkakataon na makapaglinkod ng buo ang loob at pag-iisip para sa Panginoon at di nahahati kahit saan. Ngunit ang Simbahan ay nahahati din sa dalawa at isa doon ang Simbahan sa Silangan kung saan sila ay may kakaabang batas sa di pag-aasawa ng pari dahil para sa kanila ang pari ay nag-aasawa at ang di pag-aasawa ng mga pari ay isang disiplina lamang sa Simbahan sa Kanluran, ngunit kahit ganun pa man ay may isang orden kung saan ang inordenahan ay maaring mag-asawa at yun ay ang PERMANENT DIACONATE.Kaya tama ang Kasulatan patungkol sa ugali ng INC na mahilig manuligsa at makipag-away:

"Kung ang sinuma'y nagtuturo ng ibang aral at hindi sumasang-ayon sa mahuhusay na salita ng ating Panginoong Jesu-Cristo, at sa aral na ayon sa kabanalan, siya ay palalo, walang nauunawaang anuman; at siya ay nahuhumaling sa mga usapin at sa pagtatalo tungkol sa mga salita na pinagmumulan ng inggit, away, paninirang puri, mga masasamang hinala, pag-aaway ng mga taong masama ang pag-iisip at salat sa katotohahan, na inaakalang ang kabanalan ay paraan ng pakinabang." (1 Timoteo 6:3-5, Ang Bagong Ang Biblia)

Sadya namang mahilig sila manira at makipag-away sa mga katoliko upang kanilang maakay ito sa kanila, gagawa sila ng kung anu anong masasamang propaganda para hiyain ang Iglesia Katolika. Kaya nga mahilig sila mambaluktot ng turo at gumawa ng kasinungalingan. Binabalaan ng Banal ng Kasulatan ang mga gayong klase ng tao:

"Huwag kang magkakalat ng kasinungalingan: huwag kang makikipagyari sa masama, na maging saksi kang sinungaling." (Exodo 23:1, Ang Biblia)

Kaya sa panghuli ganito lang ang masasabi ko sa naging komento ni readme sa video ng debate nina Ministro ng INC Cutin at kuya Ryan Mejillano, na bakit siya masyado affected sa pagtawa ni Kuya Ryan, dahiil ba sa nakikita niya na ginigisa na ang kanyang ministro dahil hindi ito sumasagot ng maayos sa mga tanong. Eh ganun din sila kapag sila ang nakikipagdebate gusto nila na sa kanila lang din papabor, at mahilig din sila tumawa sa mga debate. Kaya pasensya na readme mukha atang ikaw ang di nakakaalam ng mga tunay na aral ng Iglesia Katolika dahil alam mo na di talaga kayang sagutin ng ministro nyo ang mga tanong. Dahil sa huli ang katotohanan pa rin ang mamaig at hindi ang ipinapakalat na kasinungalingan ng INC, dahil sa huli ay tulad ng sinabi ni Jesus na:

"At inyong makikilala ang katotohanan, at ang katotohana'y magpapalaya sa inyo." (Juan 8:32, Ang Biblia)

 
    

2 comments:

You can post your comments or questions about the Catholic Faith, kindly follow the following instructions before posting any comments:

1. Kindly specify your religious affiliation or from what religion, denomination or sect you belong.
2. Avoid posting vulgar or foul words, any post in this regard will be deleted
3. To avoid flooding the comment box kindly posts also your questions at the chatbox
4. Arguments and debates are not allowed in the commentbox to avoid flooding, you can only post your debates or arguments at the chat box not in the comment box.
5. Kindly specify your questions