Pages

Tuesday, 24 July 2012

SAGOT SA ISANG MANALISTA PATUNGKOL SA BLOG NI FR. ABE SA PAGPUPUNAS SA MGA REBULTO!







Nito lang  July 23, 2012, ay humirit na naman ang isang kaanib ng INC na si Readme kung saan inaatake niya ang blog ni Fr. Abe patungkol sa sagot nito sa isang Born Again patungkol sa pagpupunas sa mga imahe. Ngunit di niya batid na meron din silang kakaibang katuruan. Inaakusahan nila ang Iglesia Katolika na sumasamba sa rebulto. Ngunit sila rin pala ay gumagawa ng mga inaatake nila sa katoliko. Tignan natin ito:

  
"The life-size monument of Brother Felix, made of fiberglass in bronze finished, stands at the Church's Central Office complex in Quezon City, Philippines."


source: PASUGO, May 2010, pg. 16

Tama ang sinasabi ng Banal na Kasulatan patungkol sa kanila:

"Sila'y dumudukot ng maraming ginto sa supot, at tumitimbang ng pilak sa timbangan, sila'y nagsisiupa ng panday-ginto, at kaniyang ginagawang dios." (Isaias 46:6,Ang Biblia)

Tignan natin kung ano ba ang sinasabi ng PASUGO nila patungkol sa pagsamba sa mga larawan at rebulto:


"Alam na alam nating maraming mga relihiyon ngayon ay gumatamit ng mga larawan sa kanilang pagsamba-kanila itong niluluhiran, inaalayan, at sinasamba."


source: PASUGO, April 2012, pg. 30

at paano nila ito sinasamba? sa pamamagitan ng pag-aalay ng mga bulaklak sa harapan ng rebulto ni Felix Manalo sa kanilang Central sa Quezon City:



 
         
   "Leading the Church in commemorating the 47th death anniversary of Brother Felix. Manalo, the Messenger of God in these last days, on April 12, 2010, Brother Eduardo V. Manalo, Executive Minister, led the laying of wreath on the monument of Brother Felix Manalo."

source: PASUGO, May 2010, pg. 16

Isang INC ang umamin na pagsamba nga rin ang paggawa ng rebulto ng isang taong nangamatay na, mula ito sa fb post ni Walang Imposible, ganito ang kanyang sinabi:

"  Walang Imposible ‎"nang talikdan nila ang kadakilaan ng Dios na walang kamatayan at sambahin ang mga imahen ng taong may kamatayan , ng mga ibon , ng mga hayop na may apat na paa  ." gets? :)21 hours ago ·"

source:  http://www.facebook.com/photo.php?fbid=136163806524498&set=o.134466599937953&type=1&relevant_count=1

malinaw na kanila ngang sinasamba ang taong may kamatayan, eh diba si Felix Manalo, me kamatayan din? inaalala nila ang kanyang kamatayan sa pamamagitan ng kanilang pag-aalay ng bulaklak sa rebulto niya na sinasabi ng PASUGO nila na isa ring uri ng pagsamba.Katulad nga ng sinasabi ng Banal na Kasulatan:

"Ipinagpalit nila ang kaluwalhatian ng Diyos na walang kamatayan, at ang sinamba nila'y mga larawan ng mga taong may kamatayan,  at ng mga ibon, ng mga hayop na lumalakad at gumagapang." (Roma 1:23, Filipino Standard Version) 

Sino ba ang larawan ng taong may kamatayan na tinutukoy ng talata? Diba si Felix Manalo din? Malinaw na binanggit iyon ng kanilang PASUGO:

 
 "Leading the Church in commemorating the 47th death anniversary of Brother Felix. Manalo, the Messenger of God in these last days, on April 12, 2010, Brother Eduardo V. Manalo, Executive Minister, led the laying of wreath on the monument of Brother Felix Manalo."

source: PASUGO, May 2010, pg. 16

 Malinaw na malinaw na ang inaalayan nila ng bulaklak ay larawan ng isang taong namamatay at yun ay si Felix Y. Manalo, na mahigit na 47 taon nang patay.

Ano ang Palusot ng INC: 

Ayon sa mga INC, hindi daw nila sinasamba ang rebulto ni Manalo, at hindi raw pagsamba ang pag-aalay nila ng bulaklak sa kanyang rebulto, at ang isang palusot ay ang pag-aalay daw ng bulaklak sa rebulto ng mga bayani. Ngunit sila mismo ang nagsasabi sa kanilang PASUGO na mahigpit daw na ipinagbabawal daw ng Diyos ang paggamit ng anumang larawan sa pagsamba, ngunit sila mismo ay gumagamit ng rebulto ni Manalo at inaalayan pa ng bulaklak:

"This is a direct violation of God's teachings (Exo. 20:1-5). God strictly prohibits the use of any kind of image as an object of worship for it is tantamount to having other gods before Him." 

source: PASUGO, September 2001, pg.5

ano ang kanilang pamantayan sa pagsamba?

"Alam na alam nating maraming mga relihiyon ngayon ay gumatamit ng mga larawan sa kanilang pagsamba-kanila itong niluluhiran, inaalayan, at sinasamba."


source: PASUGO, April 2012, pg. 30

malinaw na sila na mismo ang nagsabi na ang pag-aa;ay ay isa ngang paraan ng pagsamba. Ibig sabihin niyan sila ang pinapatungkol ng Banal na Kasulatan na sumasamba sa larawan ng taong namamatay:

"  Ipinagpalit nila ang kaluwalhatian ng Diyos na walang kamatayan, at ang sinamba nila'y mga larawan ng mga taong may kamatayan." (Roma 1:23, ibid.)

Kaya malinaw na kanila ngang sinasamba ang larawan ni Felix Manalo.

Ano ba ang ginaya o pinagkopyahang aral mula sa aral ng Iglesia Katolika ang kinopya ng INC?

Isang kakaibang palusot ng INC ay ang paglalagay nila ng isang karatula sa ibaba ng rebulto ni Felix Manalo, na ganito ang nakasulat:

"Ang kahalalan ng sugo ay lagi nating alalahanin ngunit ang larawan at siya kailanman ay huwag sasambahin."

ibig sabihin sumasang-ayon ang INC sa katuruan ng veneration of images, na itinuro ng Iglesia Katolika? Tignan natin ang English Reader's Dictionary, ni A.S. Hornby and E.C. Parnwell:

                                           "regard with deep respect..."    

Ayon naman sa Catholic Encyclopedia ay ganito ang sinasabi:

 
  " a theological term signifying the honour paid to the saints, while latria means worship given to God alone, and hyperdulia the veneration offered to the Blessed Virgin Mary." 


source: New Advent Catholic Encyclopedia

 Malinaw na binabanggit ng Catholic Encyclopedia na ang words na veneration  ay paggalang lamang sa nirerepresenta ng rebulto at gayundin ang pamimintuho sa mga santo. Dahil diyan inamin din ng INC na ang rebulto na iyon ni Felix Manalo ang magpapapaalala sa kanila kahit na siya'y wal na ng mga alaala na kaniyang iniwan sa kanila:

"The 10th of May cannot pass unnoticed by members of the Church of Christ, for on this day, Brother Felix Y. Manalo, God's Messenger in these last days, was born 126 years ago. In view of this, the Church Administration refurbished Brother Felix Manalo's life-size monument that can be found at the Iglesia Ni Cristo Central Office premises, in New Era, Quezon City. Moreover, it is presently housed inside a simple, yet elegantly designed, gazebo-type structure. To be called the FYM Memorial, it was built to remind Church members that although the Last Messenger is gone, his memory lives on; that the spiritual legacy he has left us with cannot be forgotten." 

source: PASUGO, June 2012, pg. 17

Mismong ang INC ay umamin na ang mga rebulto ay nagpapaalala sa isang natanging tao upang maalala ang kanyang mga ginawa upang maging inspirasyon kanila. So di pala talaga ipinagbabawal ang paggamit ng rebulto? Malinaw na  binabaluktot nila ang katuruan ng Iglesia Katolika upang palabasin na sumasamba ang mga katoliko sa mga rebulto at larawan ngunit itinatanggi ng mga INC na gayundin ang kanilang ginagawa.

Tignan natin kung paano kinopya ng INC ang turo ng Iglesia Katolika na ikinabit nila sa ibaba ng rebulto ni Felix Manalo:

Nakasulat sa Rebulto ni Felix, unang parte:

                 Ang kahalalan ng sugo ay lagi nating alalahanin"
 
Orihinal na katuruan ng Iglesia Katolika:

               "Bakit nating pinararangalan ang mga pinagpala sa langit?

                Pinararangalan natin ang mga pinagpala sa langit sapagkat isinabuhay nila ang dakilang kabanalan noong sila ay naririto sa lupa, at sapagkat sa pagpaparangal sa kanila na mga piling kaibigan ng Diyos, ating pinararangalan ang mismong Diyos."

Source: Katesismo ng Aral Kristiyano, no. 275, pg. 124


Ikalawang parte sa nakasulat sa ibaba ng rebulto ni Felix Manalo:

                                  " ngunit ang larawan at siya kailanman ay huwag sasambahin."

 Orihinal na turo ng Iglesia Katolika:


            "The Church is equally insistent on the proper use of such images, avoiding any and all appearances of making the images into idols, or treating them as endowed with some magical powers.


Source:Catechism for Filipino Catholics


Dahil diyan malinaw na kinopya ng INC ang konsepto ng Iglesia Katolika sa pamamagitan ng pagpaparangal at paggalang sa rebulto na nirerepresenta ng rebulto, kaya kanilang inilagay ang mga salitang iyon sa ibaba ng rebulto ni Felix Manalo upang makahanap sila ng palusot.


Sagot kay Readme patungkol sa kanyang pinost laban sa sinabi ni Fr. Abe at ang pamemersonal niya sa kanya:

Hindi mo alam ang mga sinasabi mo Readme, sinasabi ng kasulatan:

"Huwag kang magkalat ng kasinungalingan: huwag kang makikipagkayari sa masama, na maging saksi kang sinungaling." (Exodus 23:1)

 magaling kang bumaluktot ng sinabi, saan sinabi ni Fr. Abe  sa blog nya na kaya pumupunta ang mga deboto ng Nazareno sa Quiapo ay para lang sa milagro ng dumi at alikabok ng Nazareno, wala naman siyang sinabi dyan. Pasensya na Readme, pero mukha atang di ka nagbabasa sa parehong blog ni Fr. Abe sa baba ng comment box, ganito ang sinabi ni Fr. Abe:

Father Abe

I have a question regarding in his question. I have notice that most of our fellw catholics wipe the statue with their handkerchief/towel not because it is dusty (in fact malinis naman at walang alikabok) but because they believe that it will become "miraculous" and grant the favors they ask. Is this still inline with the catholic faith dear father?

Kim
Reply
Dear Kim,

The CAtholics are wiping the Sacred Images and other Sacred Things in the Temple not only for hope of miracle from God through the sacred object but also as an expression of love and affection... It is an act of 'Giving Honor' to what they represent. For instance, the Ark of the Covenant, the Sacred Vessels in the Temple, the Sanctuaries, etc. are considered dear to the People of Israel because they represent the Glory and Honor of God. While the Sacred Images represents the Angels and the Saints or the Lord Jesus.

It is a very good human expressions in all culture and in all times that images of our loved ones are being kissed, they are posted on the primary halls of the house and they are frequently touched. The paintings and sculptures of the Heroes of the Nation are given prominence in the public halls, schools and public plazas. And people are gathering in front of them daily for flag ceremonies, holiday celebrates with floral offerings, band music and confettis. People are usually having their picture-taking near and around the images of the beloved heroes or directly touching them.

These are common human expressions. Are they evil? OF COURSE NOT UNLESS YOU CAN PROVE OTHERWISE. It is not evil to touch sacred images as an expression of honor given to the National Heroes, Heroes of the Faith and to images of Beloved: Parents, Girlfriend or Boyfriend, Husband or Wife, Children, etc."

   
 Source: thesplendorofthechurch.blogspot.com


sobrang linaw na ipinaliwanag ni Fr. Abe kung ano ang ibig niyang sabihin, na maliban sa paglilinis ng rebulto ay ito rin ay pagpapakita ng pamimintuho sa sinasagisag ng rebulto. Kanya ring sinabi sa kanyang isang post sa petsang August 14, 2011 sa araw ng linggo, kanyang sinabi sa kanyang blog ang ganito:


 [2. Yun bang kaban ng tipan nayon pinunasan ng panyo den pinapahid sa muka o sa parte ng katawan na may sakit ?]

HINDI KO NA KAILANGANG DEPENSAHAN IYAN DAHIL HINDI NAMIN YAN DOCTRINA. HINDI UTOS SA AMIN NA GAWIN IYON. WALA KAMING DOCTRINA NA DAPAT PUNASAN NG PANYO ANG KABAN AT IPAHID SA MGA MAYSAKIT. SUBALIT HINDI RIN NAMIN IPINAGBAWAL DAHIL HINDI NAMAN IPINAGBAWAL IYON NG DIOS.

KUNG MASAMA ANG AMING GINAGAWA NASAAN SA BIBLIA NAKASULAT NA MASAMA IYON? NASAAN SA BIBLIA SINABI NA BAWAL PUNASAN NG PANYO ANG KABAN NG TIPAN AT IPAHID ANG PANYO SA MAYSAKIT? CHAPTER AND VERSE PLEASE.

ANG PAGHIPO SA KABAN O SA MGA BANAK NA GAWANG INANYUAN SA TEMPLO AY HINDI IPINAGBAWAL. SA HALIP ANG SABI ANG "LAHAT" NG MGA MAKAHIPO NG MGA PINABANAL NA KAGAMITAN SA SANCTUARIO NG DIOS TULAD NG TABERNACULO AT KABAN NG PATOTOO AY MAGIGING BANAL:


Exodus 30:25-28 At iyong gagawing banal na langis na pangpahid, isang pabangong kinatha ng ayon sa katha ng manggagawa ng pabango: siya ngang magiging banal na langis na pangpahid. At iyong papahiran niyaon ang tabernakulo ng kapisanan, at ang kaban ng patotoo, At ang dulang, at ang lahat ng mga kasangkapan niyaon, at ang kandelero at ang mga kasangkapan niyaon, at ang dambanang suuban. At ang dambana ng handog na susunugin sangpu ng lahat ng mga kasangkapan, at ang hugasan at ang tungtungan.

GANYAN ANG AMING GINAGAWA TUWING CONSECRATION TO GOD OF OUR TEMPLE, THE TABERNACLE, THE SANCTUARY AND THE ALTAR. WE ANOINT THEM WITH HOLY OIL FOR A HOLY ANOINTING OF THE TABERNACLES, ALTARS, SANCTUARIES AND THE SACRED IMAGES. AT AYON SA BIBLIA, MATAPOS NA ANG MGA ITO AY PABANALIN "LAHAT NG MAKAHIPO" NITO AY MAGIGING MGA BANAL:

Exodus 30:29 [ANG BIBLIA] "At pakabanalin mo upang maging mga kabanalbanalan: lahat ng makahipo sa mga yao'y magiging banal."

KAYA, HINDI MASAMA NA ITO AY PUNASAN AT DALHIN SA MGA MAYSAKIT UPANG ANG MGA MAYSAKIT AY MAKASALO RIN SA DULOT NA KABANALAN NG MGA BAGAY NA PINABANAL NG DIOS MULA SA PAGKAKAHIPO O PAGKAKADAITI SA MGA BANAL NA BAGAY NG TEMPLO, SANCTUARIO O ALTAR.

YUN NGANG MGA MANOLISTA ANG KAPAL NG MUKHA. ANG BANGKAY NI FELIX AT NI ERANYO AY INILIBING SA LOOB NG KANILANG TABERNACULO NA HINDI NAMAN NAGING BANAL DAHIL HINDI PINAHIRAN NG BANAL NA LANGIS. "


source: thesplendorofthechurch.blogspot.com

Kaya ikaw na desperadong Manalista ka, basahin mo ng buo ang blog ni Fr. Abe, hindi yung pinuputol mo, dahil may konkretong paliwanag siya mismo sa ibaba ng blog na pinagkuhanan mo. Sadya atang malabo ang iyong mata sa pagbabasa kaya hindi mo napansin ang isa pang paliwanag ni Padre Abe Arganiosa patungkol sa kanyang pinost sa blog nya. Ganyan naman ang mga INC hindi marunong tumingin. Sinasabi ng kasulatan:

"Huwag kayong magsihatol ayon sa anyo, kundi magsihatol kayo ng matuwid na paghatol." (Juan7:24)

at gayundin ay kanyang idinugtong:

"Huwag kayong magsihatol, upang huwag kayong hatulan." (Mateo 7:1)

Patungkol sa akusasyon mo na napunta lamang ang mga deboto ng Nazareno para sa alikabok at germs, dahil sa pagpupunas nila. Yan ang akala mo dahil tulad nga ng sinasabi ni Fr. Abe ang mga deboto ay pumupunta doon, upang kanilang hingin ang tulong ng Panginoon sa pmamagitan ng nirerepresenta ng rebulto, upang magpaalala sa mga tao na tanging sa Diyos lamang dapat umasa ang tao. At upang kanilang madama ang kabanalang nagmumula sa Panginoona at ang kanyang pagpapagaling.   Tulad na rin ng ipinaliwanag ni Fr. Abe. Kaya yang mga akusasyon mo kay Fr. Abe ay walang basehan.

           Pagdating naman sa mga sinasabi mo patungkol sa mga dating katoliko, ganito lang ang masasabi ko, dahil tulad sila ng mga batang madaling madala ng ibang aral, at napaniwala naman sila kaagad dahil sinasabi ng kasulatan ang ganito:

"Upang tayo'y huwag nang maging mga bata pa, na napapahapay dito't doon at dinadala sa magkabikabila ng lahat na hangin ng aral, sa pamamagitan ng mga daya ng mga tao, sa katusuhan, ayon sa mga lalang ng kamalian." (Efeso 4:14)

Hindi kasi nagtatanong, kaya madali silang nadala ng iba, lalo na kayong mga Manalista kayo na mahilig niyong iplit sa tao ang hindi namn totoo. Dahil matagal na nilang alam na di totoo yun, nalinkang lamang sila ng matamis na salita ng Ministro ninyo kaya sila nauuto at naloloko sapagkat nasusulat:

"Sapagka't ang mga gayon ay hindi nagsisipaglingkod sa Cristong Panginoon, kundi sa kanilang sariling tiyan;at sa pamamagitan ng kanilang mabuting pananalita at maiinam na mga talumpati ay dinadaya ang mga puso ng mga walang malay." (Roma 16:18)

Ganyan kasi mga ministro ninyo, kaya madali naloloko mga katoliko, dahil sa kapalalaluan at panlilinlang ng mga ministro ninyo, tulad ng nasusulat:

"Na may matang puspos ng pangangalunya, at hindi maaaring maglikat sa pagkakasala; na umaakit sa mga kaluluwang walang tiyaga; na may pusong sanay sa kasakiman; mga anak ng paglait." (2 Pedro 2:14)


Pagdating naman sa mga dating katoliko na sinasabi mong affected whatsoever ganito lang masasabi ko:

"Sapagka't kung, pagkatapos na sila'y makatakas sa mga pagkahawa sa sanglibutan sa pamamagitan ng pagkakilala sa Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo, ay muling mahalubiluhan at madaig niyaon, ay lalong sumasama ang huling kalagayan nila kay sa nang una. Sapagka't magaling pa sa kanila ang hindi nakakilala ng daan ng katuwiran, kay sa, pagkatapos na makakilala ito ay tumalikod sa banal na utos na ibinigay sa kanila. Nangyari sa kanila ang ayon sa kawikaang tunay, Nagbabalik na muli ang aso sa kaniyang sariling suka, at sa paglulubalob sa pusali ang babaing baboy na nahugasan." (2 Pedro 2:20-22)

At gayundin ay ang kanilang pag-alis ay siyang binaggit din ng kasulatan:

"Sila'y nangagsilabas sa atin, ngunit sila'y hindi sa atin; sapagka't kung sila'y sa atin ay nagsipanatili sana sa atin: nguni't nangagsilabas, upang sila'y mahayag na silang lahat ay hindi sa atin." (1 Juan 2:19)

Ang mga dating katoliko na sinasabi mo ay masasabi ko sa dalawang bagay:

:Mga Nahasik sa tabi ng daan:

"Kung sinoman ay nakikinig ng salita ng kaharian, at ito'y hindi niya napaguunawa, ay pinaroroonan ng masama, at inaagaw ang nahasik sa kaniyang puso. Ito yaong nahasik sa tabi ng daan." (Mateo 13:19)

Mga Nahasik sa Batuhan:

"At ang nahasik sa mga batuhan, ay yaong nakikinig ng salita, at pagdaka'y tinatanggap ito ng buong galak; gayon ma'y wala siyang ugat sa kaniyang sarili, kundi sangdaling tumagal; at pagdating ng kapighatian o pag-uusig dahil sa salita, ay pagdaka'y natisod siya." (Mateo 13:21)

Ibig sabihin ang mga dating katoliko  na mga sinasabi mo ay mga katoliko lamang sa pangalan, dahil sa kanilang katamaran at hindi pang-unawa sa pananampalataya kaya sila naliligaw. Pasensya na po pero di po lahat ng katoliko ay sarado. Sapagkat ayon din sa parehong talata ay may mga nahasik sa mabuting lupa, na namunga at nagkaugat:


"At ang nahasik sa mabuting lupa, ay siyang dumirinig, at nakauunawa ng salita; na siyang katotohanang nagbubunga, ang ila'y tigisang daan, ang ila'y tigaanim na pu, at ang ila'y tigtatatlongpu." (Mateo 13:23)

Sila an mga katolikong hindi lamang sa pangalan kundi sa gawa at sa pag-aaral nilang mabuti ng kanilang pananampalataya:


"Pinagsikapan kong alamin, pag-aralan at hanapin ang karunungan at katwiran, kayat nakita kong kahangalan ang kasamaan at kalokohan at katangahan." (Ecclesiastes 7:25, Biblia ng Sambayanang Pilipino)


Dahil diyan ay itinayo nila ang kanilang sarili sa isang matibay na pundasyon ng pananampalatayang katoliko kaya hindi sila natitinag ng mga maling aral, tulad ng isang nagtayo ng bahay sa ibabaw ng bato:

"Kaya't ang bawa't dumirinig ng aking mga salitang ito ay ginaganap, ay matutulad sa isang taong matalino, na itinayo ang kanyang bahay sa ibabaw ng bato: At lumagpak ang ulan, at bumaha, at humihip ang mga hangin, at hinampas ang bahay na yaon; at hindi nabagsak: sapagka't natayo sa ibabaw ng bato." (Mateo 7:24-25)

Ngunit ang iba na tumalikod sa simbahan na tinatawag na DATING KATOLIKO ninyong mga manalista ay ganito ang sinasabi ng kasulatan:

"At ang bawa't dumirnig ng aking mga salitang ito at hindi ginaganap, ay matutulad sa isang taong mangmang, na itinayo ang kaniyang bahay sa buhanginan: At lumagpak ang ulan, at bumaha, at humihip ang mga hangin, at hinampas ang bahay na yaon; at nabagsak: at kakilakilabot ang kaniyang pagkabagsak." (Mateo 7:26-27)

Kaya malinaw na ang mga dating katoliko na yun ay mga taong hindi inunawa at inaral ng mabuti ang pananamapalatay kaya madaling nadala ng iba, and besides, kami rin ay nagtatanong sa aming mga pari at obispo sa aming pananampalatay, especially sa blog ni Fr. Abe na isang pari, bakit tignan mo kung ano ang nakasulat:

"Sapagkat ang mga labi ng pari ay dapat mag-ingat ng kaalaman, at dapat hanapin ng tao ang kautusan sa kanyang bibig, sapagkat siya ang sugo ng PANGINOON ng mga hukbo." (Malakias 2:7, Ang Bagong Abg Biblia)

kay linaw pa sa sikat ng araw ang talagang tinutukoy na SUGO ng Diyos ay ang mga pari at obispo at hindi si Felix Manalo o mga Ministro ng INC na hindi naman isinugo, dahil hindi naman naordinahan buhat sa mga apostol. Kaya yang mga sinasabi mo kay Fr. Abe ay mga pawang kasinungalingan at panlalait lamang sa kanya kaya malinaw na gumawa ka lang ng kwnto.


   CASE CLOSED, SADYANG GUMAGAWA NG KASINUNGALINGAN ANG MGA INC SA DESPRASYON NILANG MAKAHANAP NG MAAKAY! 



      


No comments:

Post a Comment

You can post your comments or questions about the Catholic Faith, kindly follow the following instructions before posting any comments:

1. Kindly specify your religious affiliation or from what religion, denomination or sect you belong.
2. Avoid posting vulgar or foul words, any post in this regard will be deleted
3. To avoid flooding the comment box kindly posts also your questions at the chatbox
4. Arguments and debates are not allowed in the commentbox to avoid flooding, you can only post your debates or arguments at the chat box not in the comment box.
5. Kindly specify your questions