Pages

Friday, 10 August 2012

ATIN BANG SINASAMBA ANG MGA IMAHEN?





Pangkaraniwan nating mapapansin na maraming iba't ibang sekta ang mahilig manghiya, manuligsa at manlibak sa Banal na Simbahang Katolika. Isa na rito ang patungkol sa paggamit ng mga rebulto at larawan sa ating mga Simbahan.Nakakalungkot isipin na marami sa ating mga kapatid na katoliko ang nadadala sa ganitong impresyon at maling pagkaunawa na siyang sinasabi ng iba. Mababatid natin na ang karaniwan nilang binibigay na talata ay ang Exodo 20, sa tuwing kanilang gagamitin ang talatang yan ay kanilang sinasabi na sadyang nakakasuklam daw sa Diyos ang paggawa ng rebulto at larawan:

 Exodo 20:3-5 "Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko. Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa: Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran  man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulan sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin."

Ayon sa kanila anumang larawan o rebulto daw ay atin daw sinasamba, dahil daw ayon dito ay atin daw niyuyukuran at niluluhuran ay pagsamba na raw yun sa rebulto. Kanilang sinusuportahan ito ng maraming mga talata tulad ng mga sumusunod ng talata:

Deuteronomio 4:16 "Huwag kayong gagawa ng anumang larawan upang sambahin, maging kawangis ng tao."(Magandang Balita Biblia)

 Levitico  26:1 "Huwag kayong gagawa ng diyus-diyusan o magtatayo ng mga inukit na larawan o haligi na sagrado, o mga batong hinugisan upang sambahin."

  Malinaw na sinasabi na ang isang bagay na kailangan para maging kasuklam-suklam ay upang sambahin at hindi upang alalahanin o igalang. Sa wikang Ingles, iba ang salitang veneration sa salitang adoration or worship. Hindi kasi batid ng mga di katoliko ang 3 aspeto nito, ang Latria o ang mataas na pagsamba sa Panginoong Diyos, and Hyperdulia, o ang espesyal na pagpaparangal at paggalang na naiikol sa Mahal na Birheng Maria, at Dulia o ang pamimintuho, paggalang at pag-alala sa mga santo at mga banal na tao. Dahil diyan isang malaking kasinungalinan ang sabihin na ang Iglesia Katolika ay sumasamba sa rebulto dahil mismong ang Iglesia Katolika ang kumokondena sa anumang uri ng idolatria. Tignan natin at silipin ang sinasabi naklat ng Katesismo ng Simbahang Katolika. 

"Anu-ano ang mga ipinag-uutos sa, Huwag kang sasamba sa ibang diyus-diyosan."?

Ipinagbabawal ng utos na ito ang, Pagsamba sa maraming diyos o idolatriya, na nagtuturing sa mga nilikha bilang diyos, tulad ng pera, poder o kahit na ang mga demonyo." (Katesismo ng Simbahang Katolika, pg. 181)

Malinaw ang kinokondena ng Iglesia Katolika ay ang pagsamba sa maraming diyos, at ang nagtuturing sa mga nilikha bilang diyos. Dahil diyan ang tunay na kinokondena ay yung pagturing sa anumang nilalang na diyos na mismo, at iba ang kanyang paniniwala sa mga santo kaysa sa pagtuturing ng iba sa isang nilalang ng Diyos. Dahil kailanman ay hindi itinuro ng Simbahan na ang mga santo ay diyos o kahit ang kanilang mga rebulto at larawan ay mga diyos na. Hindi po, at maliwanag po yang sinabi ng pareho ding katesismo.

"Ang pag-galang ng mga Kristiyano sa mga banal na imahen ay nakabatay sa pagkakatawang-tao ng Anak ng Diyos, dahil ang pag-galang na ito ay naka-ugat sa misteryo ng Anak ng Diyos na naging tao at dahil dito'y nakita natin ang Diyos na lubhang lingid sa paningin ng tao noon una. Ito'y hindi pagsamba sa mga banal na imahen bagkus ay pag-galang ang ibinibigay natin sa mga banal na inilalarawan nito, halimbawa, si Kristo, ang Mahal na Birhen, ang mga anghel at mga Santo." (Katesismo ng Simbahang Katolika, pg.  181-182 )


Malinaw na sinasabi mismo ng katesismo na ang iniuukol mismo ng mga katoliko sa mga rebulto at imahen ay pag-galang at hindi pagsamba. Kaya malinaw na itinuturo yan hindi lamang basta ng mga pari kundi ayon na mismo sa dokumento ng Simbahan. Dahil diyan malinaw na sinasabi ng katesismo na ang, basehan ng Simbahan sa pag-galang sa mga banal na imahen ay nakabatay sa pagkakatawang tao ng Anak ng Diyos na si Jesucristo. Alam natin na ang Panginoong Jesucristo ay Diyos na nagkatawang tao. Dahil diyan siya ay may laman at buto at may anyo. Dahil nasusulat:

Juan 1:14 "At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan."

Malinaw na ang Verbo ay nagkatawang tao at nakipamayan sa atin, at kitang kita ng nagsulat ang kanyang kaluwalhatian, so ibig sabihin may anyo ang kanyang nakita. Ngunit sino ba itong Verbo na ito? Eto ang sinasabi ng talata:

Juan 1:1 "Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios."

Dahil diyan sinasabi din naman ni Apostol San Pablo na si Jesus ay ang larawan ng Dios na di nakikita, at yun ay pinatotohanan ng Banal na Kasulatan:

Colosas 1:15 "Na siya ang larawan ng Dios na di nakikita, ang panganay ng lahat ng mga nilalang."

Ngunit ayon sa mga di katoliko na wala daw nakasulat sa Biblia na dapat gumawa ng larawan o rebulto, at ayon sa kanila ay dapat daw sambahin ang Diyos sa Espiritu at Katotohanan:

Juan 4:24 "Ang Dios ay Espiritu: at ang  mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisisamba sa espiritu at sa katotohanan."

Kung ito ang ating pagbabatayan, walang tutol ang Simbahan diyan, ngunit sa anong paraan din natin maaring sambahin ang Panginoon sa espiritu at katotohanan? Ang Panginoong Jesus ba ay nanatiling espiritu? diba hindi? kahit sa muling pagkabuhay niya ay hindi siya naging espiritu bagkus taglay pa rin niya ang kanyang katawan at buto bilang isang tao, at yan ay ayon sa nasusulat. At mismong ang Panginoong Jesus mismo ang nagpapatunay nyan na hindi siya isang espiritu:

Lucas 24:39-40 "Tignan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan: sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong  nakikita na nasa akin."

Malinaw na ang Panginoong Jesus na mismo ang nagsabi na hindi siya isang espiritu kundi siya ay may laman at buto, at nahawakan at nakita siya ng kanyang mga alagad. Kaya marapat lamang na ang mga rebulto at larawan ng Panginoong Jesus ay batay sa nakitang anyo ng mga apostol at nahawakan at nakita na siyang itsura ni Jesus, at yun ay pinatutunayan mismo ni Apostol San Juan sa kanyang unang sulat:

1 Juan 1:1-2 "Yaong buhat sa pasimula, yaong aming narinig, yaong nakita ng aming mga mata, yaong aming namasdan, at nahipo ng aming mga kamay, tungkol sa salita ng buhay. at ang buhay ay nahayag, at aming nakita, at pinatotohanan, at sa inyo'y aming ibinabalita ang buhay, ang buhay na walang hanggan, na kasama ng Ama at sa atin ay nahayag."

Malinaw na pinatotohanan ng Apostol na ang kanilang pinatotohanan ay kanilang nkita ng kanilang mga mata, namasdan at nahipo ng kanilang mga kamay, at sino yun? Ang Verbong nagkatawang-tao alalaumbaga'y ang ang Panginoong Jesus. Dahil mismong ang Panginoong Jesus ang nagsabi na ang sinumang nakakita sa kanya ay nakakita na sa Ama:

Juan 14:9 "Ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama; paanong sinasabi mo, Ipakita mo sa amin ang Ama."

Malinaw na sinasabi mismo ng Panginoong Jesus na ang sinumang nakakita sa kanya ay nakakita na sa Ama na siyang isang espiritu, ibig sabihin lang noon sa paggamit ng mga larawan at rebulto ng Panginoong Jesus ay ating lamang ginugunita at inaaalala sa pamamagitan ng inilalarawan ng rebultong iyon ang pagkakatawang tao ng Panginoong Jesus na siyang nagpapakita sa atin sa Ama sa pamamagitan niya, na siyang nakikita at nahihipo. Dahil diyan, malinaw din na sinasabi ng Simbahan, na dahil ang batayan ng pag-galang ng mga Kristiyanong katoliko sa mga banal na imahen ay batay at nakaugat sa pagkakatawang tao ng Panginoong Jesus. Dahil diyan binibigyang diin din ng Simbahan, na ang mga banal na imahen ay huwag dapat sambahin ng mga katoliko, bagkus ay igalang lamang ito ang inililalarawan ng imahen na magpapaalala sa kanila ng mga magagandang bagay na ipinakita at isinabuhay ng inilalarawan ng imahen noong ito ay nabubuhay pa sa lupa upang maging inspirasyon sa bawat katoliko na tularan ang kanilang ginawa upang maging mas lalong mapalapit sa Diyos. Tignan natin ang pagbibigay diin ng Iglesia Katolika sa bagay na ito:

"Mahigpit ang iginigiit ng Simbahan ang malaking tulong na ibinibigay ng mga larawang ito para sa tunay na Kristiyanong pananalangin. Gayunpaman, kasing higpit ding iginigiit ng Simbahan ang tamang paggamit ng mga naturang larawan, at iniiwasan ang anuman at lahat ng makapagtuturing sa mga larawan na maging diyus-diyosan, o kaya'y ituring ang mga ito na nag-aangking ng mga kapangyarihan ng salamangka." (KatesismoPara sa mga Pilipinong Katoliko, pg. 293, no.892)

Malinaw na sinasabi mismo ng katesismo na a mahigpit na iginigiit ng Simbahan na dapat gamitin ng mga katoliko ang mga rebulto at larawan sa tama, at hindi upang ito'y sambahin o gawing diyos na malinaw na kinokondena at hindi sinasang-ayunan ng simbahan. Dahil diyan marami sa mga di katoliko ang nakakaunawa ng katuruang ito ng simbahan, para sa kanila ang mga katoliko ay sumasamba raw sa mga rebulto at larawan. Ngunit ang kanila lang basehan ay ang kanilang nakikita, dahil diyan mahigpit na binabalaan tayo ng Banal na Kasulatan na huiwag tayong humatol ayon lamang sa anyo kundi humatol ng matuwid na hatol:

John 7:24 "Huwag kayong magsihatol ayon sa anyo, kundi magsihatol kayo ng matuwid na paghatol."

Dahil diyan ang nakikita lamang ng mga kapatid na mga di katoliko ay ang panlabas lamang na anyo, kasi porke nabasa nila na huwag yumuko, huwag lumuhod ay lahat ng pagluhod at pagyuko ay pagsamba na pala. Ngunit, yan ay pinapabulaanan ng Banal na Kasulatan dahil napakasepific  mismo ng Biblia na ang ipinagbabawal ay ang pagsamba kaalinsabay ng pagluhod at pagyuko sa imahen, at yun ang kinokondena ng Simbahan hindi ang pamimintuho o pag-galang sa mga imahen na hindi naman sinasamba.  Dahil ayon din sa nasusulat:

1 Samuel 16:7 "Hindi tumitingin ang Panginoon na gaya ng pagtingin ng tao: sapagka't ang tao ay tumitingin sa mukha, nguni't ang Panginoon ay tumitingin sa puso." 

Dahil diyan palaging ipinipilit ng mga di katoliko ang kanilang maling pang-unawa sa itinuturo ng Iglesia Katolika dahil diyan inililiko nila o binabaluktot ang ilang aklat katoliko na kanilang nakukuha. Ngunit  malinaw na sinasabi ng kasulatan na huwaag humatol ng ayon sa anyo na siyang di ginagawa ng mga di katoliko.

Isa bang paraan ng Pagsamba ang pagluhod sa mga rebulto?

Kung ating babalikan ang Exodo 20 sinasabi doon na huwag daw yuyuko o luluhod sa harapan ng isang imahe, na ayon sa mga katoliko ay isa daw uri ng pagsamba. Ngunit di nila batid na ang tunay na sinasabi ng Kasulatan ay ang pagsamba  hindi paggalang. Tignan natin ang mga karaniwang talata na ginagamit ng mga di katoliko na sinasabi nila na hindi daw pinayagan na sila ay sambahin sa pamamagitan ng pagluhod o pagyuko.

Gawa 10:25-26 "At nangyari, na pagpasok ni Pedro. ay sinalubong siya ni Cornelio, at nagpatirapa sa kanyang paanan, at siya'y sinamba. Datapuwa't itinindig siya ni Pedro, na sinasabi, Magtindig ka; ako man ay tao rin."

Apocalipsis 22:8-9 "At akong si Juan, ako ang nakarinig at nakakita ng mga bagay na ito. At nang aking marinig at makita, ay nagpatirapa ako upang sumamba sa harapan ng anghel na nagpakita sa akin ng mga bagay na ito. At sinabi niya sa akin, Ingatan mong huwag gawin iyan: ako'y kapuwa mo alipin at ng iyong mga kapatid na propeta, at ng mga tumutupad ng mga salita ng aklat na ito: sumamba ka sa Dios."

Malinaw na sinasabi ng mga talata na ang naging mali sa ginawa ni Pedro at Juan ay hindi lamang basta pagpapatirapa bagkus ay pagpapatirapa upang sumamba o sambahin at hindi upang pagbibigay galang sa kanilang pinagpapatirapaan. Ngunit hindi ito ang itinuturo ng Iglesia Katolika dahil ang pagluhod, pagyuko sa harapan ng mga santo ay hindi upang sambahin ang rebulto tulad ng inaakala ng iba, bagkus ay isa rin itong paraan ng paggalang sa mga santo na siyang nagbibigay inspirasyon sa buhay ng bawat katolikong kristiyano na inilalarawan ng mga rebulto. Kung ating susuriin isa isa ang mga rebulto, anduon ang mga simbolo ng kanilang buhay, tignan natin ang mga larawan:

Rebulto ni San Pedro sa Roma na may hawak na susi, simbolo ng tungkuling iniatang sa kanya ni Jesus na ibibigay sa kanya ang susi ng kaharian ng langit, at may hawak din siya na aklat na simbolo ng kanyang pangangaral ng Ebanghelyo


Rebulto ni San Isidro Labarador na may hawak na pala at may anghel na nagaararo gamit ang kalabaw. Simbolo ito ng pagiging magsasaka ni San Isidro, at sa himalang kanyang natanggap sa Panginoon kung saan ipinadala niya ang isang anghel upang gawin ang pinagagawa kay San Isidro ng kanyang amo upang di siya maantala sa kanyang pananalangin.
Iilan lamang yan sa mga karaniwang tinutuligsa ng mga di katoliko, kung saan sinasabi nila na yan daw ay tanda ng mga pagano, na isang kasinungalingan. Dahil ang mga simbolo na kasama ng mga rebulto ay mga simbolo ng kanilang buhay kabanalan at mga magagandang bagay na kanilang nagawa noong sila'y nabubuhay pa. Ngayon bumalik tayo pagdating sa pagluhod at payuko na sinasabing ipinagbabawal daw dahil yun daw ay tanda ng pagsamba sa mga rebulto at mga santo. Kung mapapansin natin sa isang PASUGO na inilathala ng INC kung saan si Jose ay lumuhod at nagpatirapa sa harapan ng Paraon isang di maitatanggi ng mga INC:
Kitang kita na hango mismo sa PASUGO, September 1999, pg. 22, na si Jose ay lumuhod sa harapan ng Paraon, isang paraan ng paggalang at hindi pagsamba na na ayon mismo sa sektang nagmamay-ari ng lathalaing ito na ang pagluhod at pagyuko raw ay isang paraan ng pagsamba, ang gumuhit ng larawang ito sa pahina ng PASUGO ay si Nestor G. Maglapo Sr.
Kahit ang INC ay hindi rin maikakaila na hindi lahat ng pagluhod at pagyuko ay isang uri ng pagsamba, bagkus ang mali at kinokondena ng Biblia at ng Simbahan ay ang pagluhod upang sambahin at hindi upang igalang ang inilalarawan nito. Kung ating susuriin ang Banal na Kasulatan, sinasabi diyan na hindi lahat ng pagluhod at pagyuko ay pagsamba na:

Sa Lumang Tipan:

Genesis 18:2 "At itiningin ang kaniyang mga mata at nagmalas, at, narito't  tatlong lalake ay nakatayo sa tabi niya: at pagkakita niya sa kanila, ay tinakobo niya upang sila'y salubungin mula sa pintuan ng tolda, at yumukod siya sa lupa."

Genesis 19:1 "At nagsidating ang dalawang anghel sa Sodoma, nang nagtatakip silim; at si Lot ay nakaupo sa  pintuang-bayan ng Sodoma: at sila'y nakita ni Lot, at nagtindig upang salubungin sila; at iniyukod ang mukha sa lupa."

Hukom  13:20 "Sapagka't nangyari, nang umilanglang sa langit ang alab mula sa dambana, na ang anghel ng Panginoon ay napailanglang sa alab ng dambana: at minasdan ni Manoa at ng kaniyang asawa; at sila'y nangapasubasob sa lupa."

1 Samuel 25:23 "At nang makita ni Abigail si David, ay nagmadali siya, at lumunsad sa kaniyang asno, at nagapatirapa sa harap ni David  at yumukod sa lupa."

1 Hari 1:16 "At si Bath-seba ay yumukod at nagbigay galang sa hari.At sinabi ng hari, Anong ibig mo?"

1 Hari 2:19 "Si Bath-sheba naga'y naparoon sa haring Salomon, ipang ipakiusap sa kaniya si Adonia, At tumindig ang hari na sinalubong siya, at yumukod siya sa kaniya, at umupo sa kaniyang luklukan, at nagpalagay ng luklukan para sa ina ng hari; at siya'y naupo sa kaniyang kanan."

Daniel 2:46 "Nang magkagayo'y nagpatirapa si Haring Nebukadnezar at nagbigay-galang kay Daniel, at nag-utos na sila'y maghandog ng alay at ng insenso sa kanya." (Ang Bagong Ang Biblia Edisyon 2001)

Sa Bagong Tipan:

Gawa 16:29   "At siya'y humingi ng mga ilaw at tumakbo sa loob, at, naginginig sa takot, ay nagpatirapa sa harapan ni Pablo at Silas."

Malinaw na sinasabi ng mga talata buhat sa Banal na Kasulatan na ang pagluhod,at pagyuko ay hindi lamang paraan ng pagsamba, dahil kitang kita natin mula sa mga siniping mga talata na sila ay nagpatirapa, yumuko at lumuhod hindi upang sambahin ang kanilang ginagawan noon kundi ay bilang pagbibigay galang sa mga banal na taong iyon. Dahil diyan itinturo din ng Simbahan na ang  pagyuko at pagluhod sa harapan ng isang rebulto at larawan ay isa lamang paraan ng paggalang. Dahil diyan mali ang mga di katoliko sa pagsasabing sinasamba ng mga Katoliko ang mga rebulto.

Ano ang mga tunay na katuruan ng Simbahan patungkol sa mga Imahen at mga Rebulto?

    Kung ating titignan ang mga ginagamit ng ibang sekta sa paggamit ng aklat katoliko tulad ng katesismo, mapapansin natin na sisipi sila mula sa aklat, at kapag ito ay nakasulat sa salitang ingles ang salitang veneration ay pinapalitan ng salitang pagsamba, gayong ang naturang aklat ay hindi nmana isinulat sa tagalog. Ating silipin ang mga opisyal na katuruan ng Simbahan patungkol sa paggamit ng larawan at rebulto. Ayon sa isang obispong katoliko sa Silangan na si San Juan ng Damasco sa kanyang aklat na pinamagatang An Exposition of the Orthodox Faith  ay kanyang sinabi:

" On what grounds, then, do we show reverence to each other unless because we are made after God's image? For as Basil, that much-versed expounder of divine things, says, the honour given to the image passes over to the prototype. Now a prototype is that which is imaged, from which the derivative is obtained. Why was it that the Mosaic people honoured on all hands the tabernacle which bore an image and type of heavenly things, or rather of the whole creation? God indeed said to Moses, Look that thou make them after their pattern which was showed you in the mount. The Cherubim, too, which o'ershadow the mercy seat, are they not the work of men's hands ? What, further, is the celebrated temple at Jerusalem? Is it not hand-made and fashioned by the skill of men ?
Moreover the Divine Scripture blames those who worship graven images, but also those who sacrifice to demons. The Greeks sacrificed and the Jews also sacrificed: but the Greeks to demons and the Jews to God. And the sacrifice of the Greeks was rejected and condemned, but the sacrifice of the just was very acceptable to God. For Noah sacrificed, and God smelled a sweet savour , receiving the fragrance of the right choice and good-will towards Him. And so the graven images of the Greeks, since they were images of deities, were rejected and forbidden.
But besides this who can make an imitation of the invisible, incorporeal, uncircumscribed, formless God? Therefore to give form to the Deity is the height of folly and impiety. And hence it is that in the Old Testament the use of images was not common. But after God in His bowels of pity became in truth man for our salvation, not as He was seen by Abraham in the semblance of a man, nor as He was seen by the prophets, but in being truly man, and after He lived upon the earth and dwelt among men, worked miracles, suffered, was crucified, rose again and was taken back to Heaven, since all these things actually took place and were seen by men, they were written for the remembrance and instruction of us who were not alive at that time in order that though we saw not, we may still, hearing and believing, obtain the blessing of the Lord. But seeing that not every one has a knowledge of letters nor time for reading, the Fathers gave their sanction to depicting these events on images as being acts of great heroism, in order that they should form a concise memorial of them. Often, doubtless, when we have not the Lord's passion in mind and see the image of Christ's crucifixion, His saving passion is brought back to remembrance, and we fall down and worship not the material but that which is imaged: just as we do not worship the material of which the Gospels are made, nor the material of the Cross, but that which these typify. For wherein does the cross, that typifies the Lord, differ from a cross that does not do so? It is just the same also in the case of the Mother of the Lord. For thehonour which we give to her is referred to Him Who was made of her incarnate. And similarly also the brave acts of holy men stir us up to be brave and to emulate and imitate their valour and to glorify God. For as we said, the honour that is given to the best of fellow-servants is a proof of good-will towards our common Lady, and the honour rendered to the image passes over to the prototype. But this is an unwritten tradition , just as is also the worshipping towards the East and the worship of the Cross, and very many other similar things." (An Exposition of the Orthodox Faith by Saint John Damascene Chapter 16, Book IV)

 Maliwanag na sinasabi ni Obispo Juan ng Damasco na hindi ang mismong larawan o rebulto ang pinararangalan bagkus ay ang inilalarawan ng mga rebulto at larawan na iyon. Kaya malinaw na hindi talaga sinasamba ng mga katoliko ang mga rebulto. Ang pagpupunas, pagluhod, payuko at pananalangin sa harap nito ay hindi nauukol sa mismong bato o material na rebulto bagkus ay sa mismong inilalarawan ng mga ito. Dahil diyan matibay na idineklara ng ikalawang kapulungan ng mga obispo sa Nicea na hindi talaga dapat sambahin ang mga rebulto subalit atin lamang itong igalang:

" We, therefore, following the royal pathway and the divinely inspired authority of our Holy Fathers and the traditions of the Catholic Church (for, as we all know, the Holy Spirit indwells her), define with all certitude and accuracy that just as the figure of the precious and life-giving Cross, so also the venerable and holy images, as well in painting and mosaic as of other fit materials, should be set forth in the holy churches of God, and on the sacred vessels and on the vestments and on hangings and in pictures both in houses and by the wayside, to wit, the figure of our Lord God and Saviour Jesus Christ, of our spotless Lady, the Mother of God, of the honourable Angels, of all Saints and of all pious  people. For by so much more frequently as they are seen in artistic representation, by so much more readily are men lifted up to the memory of their prototypes, and to a longing after them; and to these should be given due salutation and honourable reverence reverence (ἀσπασμὸν καὶ τιμητικὴν προσκύνησιν), not indeed that true worship of faith (λατρείαν) which pertains alone to the divine nature; but to these, as to the figure of the precious and life-giving Cross and to the Book of the Gospels and to the other holy objects, incense and lights may be offered according to ancient pious custom. For the honour which is paid to the image passes on to that which the image represents, and he who reveres the image reveres in it the subject represented." ( Second Council of Nicea, Session 6)

Malinaw na itinuturo mismo ng Simbahan na hindi dapat sambahin ang mga rebulto. At sadyan kaiba ito sa paggalang na iniuukol natin sa mga rebulto dahil diyan. Dahil diyan inulit na sinabi ng Konsilyo ng Trento ang patungkol sa aral na siyang ipinahayag ng Ikalawang Konsilyo ng Nicea patungkol sa paggamit ng mga rebulto. Na siyang tinututlan at inaatake ng ibang sektang di katoliko.

"  Moreover, that the images of Christ, of the Virgin Mother of God, and of the other saints, are to be had and retained particularly in temples, and that due honour and veneration are to be given them; not that any divinity, or virtue, is believed to be in them, on account of which they are to be worshipped; or that anything is to be asked of them; or, that trust is to be reposed in images, as was of old done by the Gentiles who placed their hope in idols; but because the honour which is shown them is referred to the prototypes which those images represent; in such wise that by the images which we kiss, and before which we uncover the head, and prostrate ourselves, we adore Christ; and we venerate the saints, whose similitude they bear: as, by the decrees of Councils, and especially of the second Synod of Nicaea, has been defined against the opponents of images" ( Acts and Decrees of the Council of Trent, Session 25)

Malinaw na sinasabi mismo ng Konsilyo ng Trento na hindi talaga natin sinasamba ang rebulto na kaiba sa sinasabi ng ibang sekta laban sa atin. Dahil diyan inilagon at nakalagay din yan sa mga katesismo na siyang ginagamit sa Simbahan na karaniwang binabaluktot ng mga di katoliko sa tuwing kanilang gagamitin ang mga ito laban sa Iglesia Katolika. Narito ang mga halimbawa ng mga katesismo.

Mula sa Catechism of the Catholic Church, ang opisyal na dokumento ng Simbahan kung saan nakasulat lahat ng aral nito:

"  The Christian veneration of images is not contrary to the first commandment which proscribes idols. Indeed, "the honor rendered to an image passes to its prototype," and "whoever venerates an image venerates the person portrayed in it."The honor paid to sacred images is a "respectful veneration," not the adoration due to God alone: Religious worship is not directed to images in themselves, considered as mere things, but under their distinctive aspect as images leading us on to God incarnate. the movement toward the image does not terminate in it as image, but tends toward that whose image it is" ( Catechism of the Catholic Church, 2132, pg.575 )

Mula naman sa katesismo ng Baltimore isang uri ng katesismo na siyang ginagamit sa Simbahan sa America ay siya ring nagpapatunay ng aral na ito:

" Do we honor Christ and the saints when we pray before the crucifix, relics, and sacred images?

We honor Christ and the saints when we pray before the crucifix, relics, and sacred images because we honor the persons they represent; we adore Christ and venerate the saints.

 Do we pray to the crucifix or to the images and relics of the saints?

We do not pray to the crucifix or to the images and relics of the saints, but to the persons they represent." ( Baltimore Catechism,222-223, Lesson 17 )

Buhat sa Katesismong nailimbag ng Kalipunan ng mga Obispo sa Pilipinas, sa pagsasabi na ang mga larawan at imahen ay tulong laman sa Kristiyanong pananalangin:

"Statues and images of Christ, Mary and the Saints are helps for authentic Christian prayer of worship to God, Christ himself, and of veneration of God's Blessed. Religious statues  and images have no power in themselves, but only help us to relate to Christ, Mary and the Saints." (Catechism for Filipino Catholics, 929, pg. 259 )

Pinatotohanan at inamin din ito ng isang maikling katesismo na isinulat ni Fr. M. Guzman buhat sa kanyang katesismong pampamilya:

"Matuwid bang magpakita ng paggalang sa mga rebulto at larawan ni Kristo at ng mga banal?

Matuwid lang na magpakita ng paggalang sa mga rebulto at larawan ni Kristo at ng mga banal, kagaya ng matuwid na pagpapamalas ng paggalang sa mga imahen at larawan ng mga pinagpipitaganan o minamahal natin sa lupa."

Malinaw na sinasabi at itinuturo mismo ng mga Katesismo na ang tunay na termino na ginagamit ng simbahan patungkol sa paggamit ng mga larawan o rebulto sa pagsamba ay paggalang at hindi upang sambahin. Kaya kung ating mapapansin na sa tuwing sisipi mula mismo sa mga aklat katoliko ang mga di katoliko, makikita natin na isinasalin nila ang naisulat na aklat sa ingles na veneration na isinasalin at pinapalitan nila ng salitang pagsamba o sambahin, imbes na paggalang, upang maipakita na mali ang turo ng Iglesia Katolika, kaya nga isang pandaraya ang kanilag ginagawa ay ang di nila pagpapakita ng mismong pahina ng aklat katoliko na kanilang isinalin.

Pagpapatunay ng mga Santo Papa sa veneration of images

Maliban sa mga deklarasyon at turo ng mga konsilyo ng Simbahan at katuruan ng mga katesismo, gayundin naman ay lubos itong ipinaliwanag at binigyang diin ng mga Santo Papa, bilang pagpapatunay na ang tamang turo ng Iglesia Katolika ay ang dapat igalang ang mga rebulto at larawan ng mga Santo at ng Panginoong Jesucristo ay hindi dapat sambahin. Narito ang mga halimbawa ng mga patotoo ng mga Santo Papa:

"   To encourage the proper use of sacred images, the Council of Nicaea recalls that "the honour paid to the image is really paid to the person it represents, and those who venerate the image are venerating the reality of the person it represents" Hence in adoring the Person of the Incarnate Word in the image of Christ the faithful are making a genuine act of worship, which has nothing in common with idolatry. Similarly, when he venerates images of Mary, the believer’s act is ultimately intended as a tribute to the person of the Mother of Jesus." ( General Audience, October 29, 1997, Pope John Paul II)\

"Nicaea II solemnly reaffirmed the traditional distinction between "the true adoration (latreia)" which "according to our faith is rendered to the unique divine nature" and "and the prostration of honor (timetike proskynesis) "which is attributed to icons, for "he who prostrates before the icon does so before the person (hypostasis) who is represented therein."(Apostolic Letter, DUODECIMUM SAECULUM, Pope John Paul II)

Ayon naman kay Papa Benedicto XVI, ay ganito ang kanyang sinasabi:

" John Damascene writes, ""In other ages God had not been represented in images, being incorporate and faceless. But since God has now been seen in the flesh, and lived among men, I represent that part of God which is visible. I do not venerate matter, but the Creator of matter, who became matter for my sake and deigned to live in matter and bring about my salvation through matter. I will not cease therefore to venerate that matter through which my salvation was achieved. But I do not venerate it in absolute terms as God! How could that which, from non-existence, has been given existence, be God?... But I also venerate and respect all the rest of matter which has brought me salvation, since it is full of energy and Holy graces. Is not the wood of the Cross, three times blessed, matter?... And the ink, and the most Holy Book of the Gospels, are they not matter? The redeeming altar which dispenses the Bread of life, is it not matter?... And, before all else, are not the flesh and blood of Our Lord matter? Either we must suppress the sacred nature of all these things, or we must concede to the tradition of the Church the veneration of the images of God and that of the friends of God who are sanctified by the name they bear, and for this reason are possessed by the grace of the Holy Spirit. Do not, therefore, offend matter: it is not contemptible, because nothing that God has made is contemptible"(General Audience, May 6, 2009, Pope Benedict XVI 

", Pope Benedict explained, “God has made himself material for me; I venerate the material through which His salvation came to me.”“Is the wood of the cross not material and the ink with which the Book of Salvation was written, and before all other things, the blood and flesh of my Lord?” he continued. “I do not venerate material, he would say, but the creator of the material.”(Catholic News Agency.com)

Malinaw na sinasabi ng mga Santo Papa na hindi ang mismong rebulto ang ating iginagalang bagkus ay ang inilalarawan ng rebulto o larawan. At yan ay pinatotohanan mismo ng mga Santo Papa taliwas na sinasabi at itinuturo ng mga di katoliko laban sa Iglesia Katolika.

Paano magdasal ang mga katoliko? 

Taliwas sa ibinibintang ng mga INC sa mga katoliko kung saan sinasamba daw natin ang mga rebulto, sa pamamagitan ng pasipi nila buhat sa isang aklat na pinamagatang Catesismo. Ngunit kung ating susuriing mabuti ay may isang aklat na nagpapatunay na hindi sinasamba ng mga katoliko ang mga rebulto at larawan, ito ay nakasulat sa isang aklat dasalang katoliko na pinamagatang Tanglaw ng Aking Landas:


   
 "Pagkagising mo, ay gumawa ka ng tanda ng Krus, ihandog mo ang iyong puso sa Diyos at sabihin: "Jesus, Maria at Jose, inihahandog ko sa inyo ang puso ko at kaluluwa." Pagkapagbihis mo, lumuhod ka, at magdasal ng sumusunod: Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen." (Tanglaw ng Aking Landas, pg. 39)

Malinaw na malinaw na sinasabi ng aklat na dasalan na pagkagising natin sa umaga ay gumawa tayo ng tanda ng Krus at ihandog ang ating puso sa Diyos na kakaiba sa kasinungalingan na karaniwang namumutawi sa labi ng mga di katoliko.


Paggamit ng rebulto at ang paggamit nito sa Banal na Kasulatan

Isa sa mga karaniwang batayan ng mga di katolikong pundamentalista ay ang Banal na Kasulatan upang tuligsain ang mga banal na larawan at rebulto. Ngunit kung ating babalik balikan ang Banal na Kasulatan ating mababasa kung saan ang Diyos ay nagpagawa ng mga rebulto at larawan kay Moises sa pagsamba. Una na rito ang pagpapagawa sa Kaban ng Tipan:

Exodo 25:18-22"At gagawa ka ng dalawang querubing ginto; na yari sa pamukpok iyong gagawin, sa dalawang dulo ng luklukan ng awa. At gawin mo ang isang querubin sa isang dulo, at ang isang querubin sa kabilang dulo: kaputol ng luklukan ng awa, gagawin mo ang mga querubin sa dalawang dulo niyaon. At ibubuka ng mga querubin ang kanilang pakpak na paitaas, na nilililiman ang luklukan ng awa, ng kanilang mga pakpak, na ang kanilang mukha ay nagkakaharap, sa dakong luklukan ng awa ihaharap ang mga mukha ng mga querubin. At iyong ilalagay ang luklukan ng awa sa ibabaw ng kaban; at sa loob ng kaban, ay iyong ilalagay ang mga kinalalagdaan ng patotoo, na aking ibibigay sa iyo. At diya'y makikipagkita ako sa iyo, at makikipanayam sa iyo mula sa ibabaw ng luklukan ng awa, sa gitna ng dalawang querubin na nangasa ibabaw ng kaban ng patotoo, tungkol sa lahat ng mga bagay na ibibigay ko sa iyong utos sa mga anak ni Israel." 

Ang pagpapagawa na ito ng Diyos ay siya ring binanggit ng Bagong Tipan sa sulat sa mga Hebreo patungkol sa dalawang rebultong kerubin sa babaw ng Kaban:

Hebreo 9:5 "At sa ibabaw ng Kaban ay may mga kerubin, na nagpapakilalang naroon ang Diyos. Naliliman ng kanilang pakpak ang Luklukan ng Habag."(Magandang Balita Biblia)


Malinaw na sinasabi ng mga talata na nagpagawa mismo ang Diyos ng mga rebultong inanyuan, at yun ay ang mga kerubin na gawa sa ginto at dapat ilagay sa ibabaw ng Kaban ng Tipan. Kung ating bubuklatin ang Banal na Kasulatan sa pareho ding Kaban nanalangin at nagpatirapa si Josue at ang Israel upang manalanging sa Diyos:
Josue 7:6 "At hinapak ni Josue ang kaniyang mga suot, at nagpatirapa sa lupa sa harap ng kaban ng Panginoon hanggang sa kinahapunan, siya at  ang mga matatanda ng Israel; na sila'y nagsipagbuhos ng alabok sa kanilang ulo."

Malinaw na si Josue at ang Israel ay nagpatirapa sa harapan ng Kaban ng Panginoon, kung saan dooon ay may dalawang nililok na mga rebultong kerubin na ginto, kung gayon pala eh sinasamba na pala ni Josue ang Kaban? dahil siya ay nagpatirapa sa harapan nito, na ayon sa mga di katoliko ay isang paraan ng pagsamba daw sa mga rebulto?. Dahil diyan malinaw na ang iginigiit ng mga di katoliko laban sa mga katoliko ay di totoo bagkus ay produkto lamang ng isang mpanirang isipan. Ngayon sa ating pagbubuklat sa Banal na Kasulatan atin ding mapapansin na nagpagawa pa ng isang rebulto ang Diyos, at yun ay ang tansong ahas na nakasulat sa aklat ng Bilang:

Bilang 21:8-9 "At sinabi ng Panginoon kay Moises, Gumawa ka ng isang mabagsik na ahas at ipatong mo sa isang tikin: at mangyari, na bawa't  taong makagat, ay mabubuhay pag tumingin doon. At si Moises ay gumawa ng isang ahas na tanso at ipinatong sa isang tikin: at nangyari, na pag may nakagat ng ahas ay nabubuhay pagtingin sa has na tanso."

Sabi ng mga di katoliko na ito daw ay mga exemptions sa utos ng Diyos, dahil ito daw ay mga rebultong ipinagawa ng Diyos. Ngunit kung atin pa ring bubuklatin ang Banal na Kasulatan makikita natin na noong pinagawa ni Solomon ang Templo ng Jerusalem, hindi sa kanya iniutos ng Diyos na lagyan ng maraming rebulto ang loob at labas ng Templo, ngunit hindi siya pinarusahan ng Diyos dahil dito, ito ay nakasulat sa aklat ng mga hari:

 Nagpagawa si Solomon ng dalawang malaking rebulto ng Querubin sa loob ng Templo:

1 Hari 6:23-28 " At sa sanggunian ay gumawa siya ng dalawang querubin na kahoy na olibo, na bawa't isa'y may sangpung siko ang taas.At limang siko ang isang pakpak ng querubin, at limang siko ang kabilang pakpak ng querubin: mula sa dulo ng isang pakpak hanggang sa dulo ng kabila ay sangpung siko.At ang isang querubin ay sangpung siko: ang dalawang querubin ay may isang sukat at isang anyo. Ang taas ng isang querubin ay may sangpung siko, at gayon din ang isang querubin. At kaniyang inilagay ang mga querubin sa pinakaloob ng bahay: at ang mga pakpak ng mga querubin ay nangakabuka na anopa't ang pakpak ng isa ay dumadaiti sa isang panig, at ang pakpak ng ikalawang querubin ay dumadaiti sa kabilang panig; at ang kanilang mga kabilang pakpak ay nagkakadaiti sa gitna ng bahay.At kaniyang binalot ng ginto ang mga querubin."

Gayundin ay nilagyan din ni Solomon ng palamuti ng larawan ng mga queruin, bulaklak, mga hayop at punong palma ang loob ng Templo:

1 Hari 6:29-35 "At kaniyang inukitan ang lahat na panig ng bahay sa palibot ng mga ukit na larawan ng mga querubin, at ng mga puno ng palma, at ng mga bukang bulaklak, sa loob at sa labas.At ang lapag ng bahay ay binalot niya ng ginto, sa loob at sa labas. At sa pasukan ng sanggunian, siya'y gumawa ng mga pintuan na kahoy na olibo: ang itaas ng pintuan at ang mga haligi niyaon ay ikalimang bahagi ng panig ang laki.Sa gayo'y gumawa siya ng dalawang pinto na kahoy na olibo; at kaniyang inukitan ng mga ukit na mga querubin, at mga puno ng palma, at mga bukang bulaklak, at binalot niya ng ginto; at kaniyang ikinalat ang ginto sa mga querubin, at sa mga puno ng palma, Sa gayo'y gumawa naman siya sa pasukan ng templo ng mga haligi ng pintuan na kahoy na olibo, sa ikaapat na bahagi ng panig;At dalawang pinto na kahoy na abeto; ang dalawang pohas ng isang pinto ay naititiklop, at ang dalawang pohas ng kabilang pinto ay naititiklop.At kaniyang pinagukitan ng mga querubin, at mga puno ng palma, at mga bukang bulaklak; at binalot niya ng ginto na kapit sa mga ukit na gawa."

Gayundin ay nagpagawa din si haring Solomon ng isang tansong dagat o hugasan na nakapatong sa ibabaw ng mga rebulto ng mga baka sa harap ng Templo:

1 Hari 7:23-26 "At kaniyang ginawa ang binubong dagatdagatan na may sangpung siko mula sa labi't labi, na lubos na mabilog, at ang taas ay limang siko: at isang panukat na pisi na may tatlong pung siko ang maipalilibid sa palibot .At sa ilalim ng labi sa paligid ay may mga kulukuti sa palibot, na sangpu sa bawa't siko, na nakalibid sa dagatdagatan sa palibot: ang mga kulukuti ay dalawang hanay, na binubo ng bubuin ang binubong dagatdagatan.Nakapatong ang dagatdagatan sa labing dalawang baka, ang tatlo'y nakaharap sa dakong hilagaan, ang tatlo'y nakaharap sa dakong kalunuran, ang tatlo'y nakaharap sa dakong timugan, at ang tatlo'y nakaharap sa dakong silanganan; at ang dagatdagatan ay napapatong sa mga yaon, at ang lahat na puwitan ng mga yaon ay nasa loob.At ang kapal ng dagatdagatan ay isang dangkal; at ang labi niyaon ay yaring gaya ng labi ng isang tasa, gaya ng bulaklak na lila: naglalaman ng dalawang libong bath."

Alam naman natin na walang iniutos ang Diyos kay Solomon na lagyan ng mga inukit na larawan at rebulto ang lahat ng nasa loob at labas ng templo gayundin ang mga kagamitan nito, ngunit hindi siya pinarusahan ng Diyos sa kanyang ginawa. Dahil diyan malinaw na pinatotohanan ng banal na Kasulatan na hindi lahat ng rebulto ay masama, bagkus ay nakakatulong ito upang makapagpaalala sa atin ng kanyang nirerepresenta at hindi dapat Sambahin. Dahil diyan hindi totoo ang sinasabi ng mga di katoliko na ang Simbahang Katoliko daw ay sumasamba sa mga rebulto.